Poem
"Bakit ka nagmamadali?"
Nasa harapan ko ngayon sina Sariah at Aseana at pinapanood lang nila ako sa pagliligpit ng mga gamit ko. Kanina pa nga sila nakatambay sa pwesto ko at para bang wala silang ginagawa kung hindi tignan ang bawat galaw ko. They are unaware of the conflict earlier involving Julia and myself, and I have no intention of disclosing it as I believe that this is a private matter between Julia and me. She did not respect my privacy, but I still respect hers.
"Eve, akala ko ba mag-sasamgy tayo? Bakit gumawa ka ng sarili mong lakad?" reklamo ni Aseana habang sinusubukan pigilan ang kamay ko sa pagliligpit ng mga gamit ko.
"Hala may sinabi kayo?!"
Nagkatinginan pa silang dalawa ni Sariah sa naging sagot ko at pareho silang ngumuso sa harapan ko. Hindi ko talaga alam na girl's night pala namin ngayon kaya pumayag ako kay Adam.
"Hay nako! Tayong dalawa nalang ang mag-date Asea at mukhang kabonding pa ni Eve mamaya si Ad–"
Agad kong tinakpan ang bibig ni Sariah at naitulak ko pa siya ng kaunti.
Ang daldal talaga eh!
"Sino?" Nagtatakang tanong ni Aseana at binigyan niya lamang kami ng napaka-inosenteng ekspresyon.
"A-ano? Kabonding ko yung nagbebenta ng kimchi! O-oo! Kimchi!" Nauutal ko pang sinabi at naramdaman ko mula sa palad ko ang pinipigilang tawa ni Sariah.
Inalis niya ang kamay ko sa pagkakatakip sa bibig niya at malakas na tumatawa. "Jusko, pati kimchi dinamay pa! Tara na Asea tayo nalang ang magsamgy!" Sabi niya pa habang sabay na inakbayan si Aseana at sabay silang naglalakad papalayo saakin.
"Wait, aren't you coming, Eve? We can purchase kimchi there?" Inosenteng tanong ni Aseana.
Mabilisan na akong umiling-iling para makaalis na silang dalawa ni Sariah at hindi na ako pinilit pa ng dalawa. Napahinga ako ng malalim dahil muntikan pa akong mahuli dahil sa kabaliwan ni Sariah. Kinuha ko lang saglit ang phone ko sa aking backpack at nagtipa ng mensahe para kay Adam.
Evelyn Letizia
Tara na ba?
Done na work ko!Habang naghihintay sa reply niya ay tumapat lang ako sa salamin ng lab room namin at isinuklay ang mahaba kong buhok. Minsan insecurities ko din itong buhok ko dahil natural wavy kasi ito, at para saakin ay nagmumukha itong buhaghag at sabog kapag nahanginan. Ngunit, sabi naman nina Sariah, Aseana, Mama, at Ate Zaniyah na ang ganda-ganda daw ng buhok ko at pwede gawan ng kahit anong hairstyle. Pagkatapos ko magsuklay ay naglagay lang ako ng medyo red-pinkish liptint at naglagay na din ako sa pisngi ko.
Narinig ko na may nag-notif sa phone ko kaya agad ko itong tinignan.
Dior Adam
I'm waiting, Queen❤️
I'm in the parking lot na.Nagmadali kong kinuha ang backpack ko at kumaripas na ako ng takbo papalabas ng lab room. Nakakahiya dahil baka kanina pa pala siya naghihintay sa parking.
May mga nakakasalubong ako na mga doctor at binibigyan ko lang sila ng isang ngiti bago ipagpatuloy muli ang running marathon ko. Siguro pati bata sa loob ng ospital kapag nakikita ako ay magtataka kung bakit ang isang katulad ko na 20s na ay tumatakbo pa ng napakabilis sa loob ng ospital.
This is an Adam emergency!
Nang mapansin na ako sa parking lot ay dinahan-dahan ko na pagsisimula ng paglalakad ko at pinunasan ang pawis ko sa noo. Nag-inhale-exhale na din ako para kapag nakita ako ni Adam ay hindi niya iisipin na halos liparin ko ang parking lot para lang puntahan siya.
BINABASA MO ANG
When the Sky Meets the Sea
Genç Kurgu"Happiness is a place between too little and too much." When everything appears to be really well, it can imply one of two things: you are living an idyllic existence with your loved ones, or tragedy is approaching. Evelyn Letizia Andres loves her...