Chapter 13

125 8 1
                                    

One-Sided

"Alam mo ba, bata palang talaga ako mahilig na ako mangolekta ng mga seashells." Nakaupo kami ngayon sa beach mat habang kinakain ang dala-dalang mocha cake ni Adam.

I noticed that he's not the type of person to talk that much. He's literally just listening to what I'm saying. No complaints. No comments. Just him directly staring at me, nodding, and silently listening.

Hindi ko alam kung interesado pa ba siya sa mga sinasabi ko? O gusto niya magsalita pero di siya makasingit? O talagang listener type of person lang talaga siya?

"Nakikinig ka pa ba sa mga pinagsasabi ko, Adam?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil hindi ko alam kung nagsasalita lang ba ako dito para lang may magawa kami o ewan.

He placed his plate of mocha cake down on the beach mat.

"Why would you assume that I'm not interested in your stories? Eve, you look adorable while telling me those chikas and some facts about yourself. Please continue. I'd love to hear it all." He gestured with his hand, telling me to continue whatever I'd been saying.

Sinimangutan ko siya at tumayo na para sana maglibot nalang sa beach dahil mukhang pinagloloko lang ako nitong kausap ko.

Adorabe, adorable ka pa dyan... Di mo ako makukuha sa ganyan!

Ano akala mo sakin?

Madadala sa words of affirmation mo?

Di ako marupok!

"Hey, where are you going?" He sweetly asked as he surprisingly reached for my hand, making me flinch a bit.

"Lilibot baket?" Matapang kong sagot sakanya.

Nakita ko kung paano dumaan ang aliw sa mga mata niya at kung paano siya ngayon na nagpipigil mang-asar at matawa sa harapan ko.

"Subukan mo tumawa, uuwi ako sa dorm namin!" Dagdag ko pa habang naka pamewang ngayon sa harapan niya.

"Really? From La Union to Manila? How will you do it when you don't know which bus to take?" Tumayo din siya na ngayon ay tinatapatan niya na ako. Hinahamon niya na ako ngayon

Lord ang tangkad naman neto...

Pwede ba mukha niya yung itapat sakin at hindi itong dibdib niya?

"Edi... Maglalakad ako!"

He finally released his laugh, which made me wrinkle my brows.

Hindi ako napikon, pero...

The way he laughs is contagious, and I would love to hear it every single day.

He even embraced his stomach because he could not stop laughing at what I said.

"Tawa ka? Sige gagawin ko talaga iyon!" I shouted at him pero hindi pa din siya tumitigil kakatawa. "Ito na maglalakad na!" Sinimulan ko na maglakad ng paunti-unti palayo sakanya pero... Hindi man lang niya ako pinipigilan?

"Naglalakad na ako paalis, Dior Adam!" Sigaw ko ulit pero tinitignan niya lang ako at kumakaway pa na parang gustong-gusto talaga akong makitang umalis.

When the Sky Meets the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon