Chapter 27

10 1 0
                                    

Warmth

"Blood is thicker than water," they said. When I was 7, Lola Benilda told me that family ties are stronger than any other relationships I had from others. She said that no matter what happened, I should never break the bonds I have with my family. Kailangan mas lamang ang tiwala, pagmamahal, respeto, at pag-aalaga ko sa mga kadugo ko kaysa sa ibang taong nakakasalamuha ko. I held onto those words because I have a family that supports me through my success and failures. They never let me feel alone in my battles.

They are my greatest treasure.

Pero habang tumatanda ako, narealize ko na hindi lahat ng tao sa mundo ay kapareho ko ng karanasan. Some children grow up without ever feeling the warmth of unconditional love from their families. May ilan na bata pa lang ay naranasan na nila ang mga masasakit na hagupit ng reyalidad. Life for them becomes monochrome, instead of rainbows. I have to bear in mind that those who have felt pain instead of love from their families see the world through a different lens, and those who have felt the luxury of unconditional love also have a different way of viewing the reality.

I got distracted while doing my satin stitches when Ate Zaniyah entered our room. Mukhang kakatapos niya lang sa pagligo dahil kahit na nakaupo ako sa kama ko at nakapwesto siya sa kabilang sulok ng kwarto ay amoy na amoy ko ang shampoo niya.

"Ang lalim naman ng kunot ng kilay mo." She said as she sat beside me and suddenly brushed my long hair. "Alam mo... malayo palang nafefeel ko na yung mga salitang naglilikot sa utak mo. Ang ingay eh!"

Hindi ako kaagad nakasagot sa sinasabi niya dahil busy ako masyado sa pagbubuhol ng mga stitches ko. Embroidery is my stress reliever at ngayon ko nalang ulit nagawa ito pagkatapos ng ilang buwan.

"Aray!" Biglang reklamo ko dahil hindi ko napansin na nakatutok na pala sa balat ko ang matalim na parte ng karayom.

"Uy kinakausap kita!"

Bigla akong natigilan sa pag-alog saakin ni Ate at inilipat ko ang atensyon ko sakanya kaya natigilan siya sa pagsusuklay ng buhok ko.

"Ate..." I stopped because of hesitation. Pero kitang-kita ko sa mata ni Ate ang paghihintay sa kung ano man ang sasabihin ko.

I should ask her for confirmation, right? Baka inooverthink ko lang yung narinig ko kanina at wala naman talagang meaning iyon?

Sana...

"Ate, wala naman bang kakaibang nangyayari sa loob ng bahay noong nasa Maynila pa ako?" I asked her in a very calm way kahit na mabilis pa sa paghinga ko ang pagtibok ng puso ko ngayon.

"Anong ibig mong sabihin?" She asked as she tilted her head and furrowed her brows.

"A-ano lang... kung may napansin ka lang na iba sa kilos ng mga nagtatrabaho sa farm o sa mga kasama natin dito sa loob?" Dagdag ko pa.

Nag-isip muna saglit si Ate Zaniyah at pagkatapos ng ilang segundo ay pinitik niya ng mahina ang noo ko. "Ikaw talaga! Syempre mas naging busy kami dito dahil sa campaign ni Papa." Natatawa niya pang sabi kasabay ang pag-iling. "Bakit mo naitanong?"

Maybe I was just imagining or exaggerating things. Wala naman siguro magpapahamak saamin dahil malaki ang tiwala namin sa mga nakakasama sa farmhouse. Ilang taon na namin sila nakakasama at simula bata pa lamang kami ay sila na ang nag-aasikaso ng loob at labas ng farmhouse. Kaya wala lang siguro iyon.

"Wala Ate. Tulog na tayo." Tanging nasabi ko nalang at iniligpit ko na ang mga tela at sinulid na ginagamit ko kanina. Inilagay ko lang ang mga gamit ko sa sewing kit na niregalo saakin ni Mama noong 18th birthday ko at inilagay ito sa ilalim ng kama. Hinalikan lang din ni Ate Zaniyah ang pisngi ko at nagsabi ng "Goodnight" bago lumipat sa kama niya na katapat ko lang naman.

When the Sky Meets the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon