Chapter 10

129 10 0
                                    

Realizations

Those messages magically gave me 100% energy for the rest of my working hours.

Kahit na 30 minutes na nagbibigay ng reminders samin si Dr. Evaristo ay nakikinig pa din ako at hindi ako nakakaramdam ng antok. Ngayon na hinayaan muna kami ni Dr. Evaristo na iobserve muna ang mga doctors at researchers sa paggamit ng laboratory apparatus. 

I'm so excited to use those instruments. Sana bukas ay hayaan na nila akong maging assistant nila dito. Grabe ang gigil ko at excitement para lang masubukan ang pag-eexperiment. Kung pwede lang na magpabibo tapos ay sabihin na willing ako magvolunteer na maging assistant nila ngayon ay nagawa ko na sana. Sobrang excited na din ako malaman kung ano ang ipapagawa nila sakin bukas at sa mga araw na mag-OOJT ako dito sa FCMC. 

Pero syempre... Mas excited ako para sa uwian ko mamaya. Aba kanina pa ako nakabantay sa orasan at ipinagdadasal na sana sa isang iglap lang ay 6:30 na. 

"Girl, 5 minutes pa. Pass ako sa halata at gagad alam mo ba yon?" Pabulong sakin ni Sariah while we observe the doctors and researchers conducting the streak plate procedure. The streak plate procedure is helpful especially in bacterial identification, and right now they streaking a pure colony of Streptococcus agalactiae, then they incubated it in order for them to easily identify its morphology using Gram stains. 

"Tanga, di naman ako excited para sa mamayang uwian ah. Excited ako sa streaking plate procedure na ginagawa nila. Sana maexperience ko na bukas." Maligayang sabi ko kay Sariah na ngayon ay nakangisi nanaman. 

"Wala naman akong sinasabi na yung para sa mamaya ka masaya. Hmmm... Halata talaga." 

Mahina ko siyang hinampas kaya lalong lumawak ang ngisi niya ngayon. 

Kung wala lang kami ngayon sa lab ay baka nagsabunutan na kami ngayon sa labas. May makikita silang action sa FCMC. Siguro kung nangyari iyon ay sabay kaming patatalsikin sa labas. Naiimagine ko palang mga reaction namin ay natatawa na ako. 

"Luh, tumatawa na mag-isa... Nakakabaliw talaga ang pag-ibig." Turo niya sakin kaya pati sina Aseana at Ace ay napatingin saaming dalawa. 

"Okay ka lang Eve?" Nag-aalalang tanong ni Aseana sakin. 

"Oo okay lang yan. May date nga mamaya eh. Kahit naman ako kapag may date magiging baliw eh." 

"Shut up!" Reklamo ko sakanya dahil gumagawa nanaman siya ng kuwento niya. Excuse me, hindi naman ako kinikilig. Atsaka bakit naman ako kikiligin dahil lang may pa-frappe ako mamaya. Palibhasa siya walang frappe!

Nagbigay lang ng kaunting paalala samin ang ilang mga doctors at si Dr. Evaristo bago kami tuluyan idismiss. Sinabihan kami na dapat bukas ay maaga kami dahil bukas na talaga magsisimula ang OJT namin at magsisimula na ang evaluation performance namin. 

Nagpaalam lang kami kay Dr. Evaristo at agad na ako nag-ayos ng gamit at nanalamin na din saglit para ayusin ang liptint at buhok ko. 

"Totoo ata yung sinasabi ni Sariah kanina na may date ka Eve." Nanlolokong tono ni Aseana sakin kaya inirapan ko nalang siya. Hindi na ako mabibigla kung kauwi ko mamaya ay laman na ng gc sa messenger ang pangalan ko. 

"Iba talaga Eve. First day palang sa OJT nakasungkit na agad." Dagdag pa ni Eric. 

"Aba syempre pinalaki ko ng maayo yung pinsan at bff ko." Sabay akbay sakin ni Sariah. 

"Tumigil nga kayo. Hindi naman ako makikipag-date eh. Kikitain ko lang yung kaibigan ko." Maikling eksplanasyon ko sakanila para naman matahimik sila at hindi sila mag-isip ng kung ano-ano. 

When the Sky Meets the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon