Chapter 2

142 11 0
                                    

Remember

I woke up around 4:30 in the morning. 

My head is still spinning because Ate Zaniyah forced me to get drunk last night. Hindi ko na nga maalala paano ako napunta sa kwarto ko at doon na nakatulog. What happened last night was extremely swift and draining. 

Naalala ko lang ay yung binigay namin ni Mama yung mga bandanang tinatahi namin kahapon, sabi pa nga ni Tita Lilly ay bagay na bagay daw sa mga damit niya yung bandana. Tapos kumain kami, then doon na nagsimula maglasingan ang mga tao sa bahay. 

I wonder if nakatulog ng maayos si East? Di pa naman nakakatulog yun kapag wala siyang kasama sa kwarto niya at kapag masyadong maingay sa paligid. 

I forced myself to get out of bed and drink some water in the kitchen. Kalabas ko ng kwarto ko ay wala pang gising, kahit sina Mama at Papa. Mukhang napagod at napuyat ang lahat dahil sa ganap kagabi. 

While drinking my water, I noticed na nakabukas yung pintuan namin. 

Nakalimutan na ba nila ilock to? Siguro naman di kami pinasukan ng mga magnanakaw diba? 

Dahil alam ko na di na ako makakatulog pa, naisipan ko nalang na diligan yung mga pananim namin na palay sa farmhouse. I grabbed our regadera and fill in some water at dirediretso na ako lumabas. 

Kasisimula ko palang diligan ang mga palay ay napansin ko na may gumagalaw dito. Tinuloy tuloy ko lang ang pagdidilig baka pusa lang ito at aalis din naman pero hindi pala pusa ito. 

"Hey!" 

If I'm not mistaken, this boy's name is Adam. Bakit dito siya natulog? Wala na bang space sa loob ng bahay? Hindi ba siya nangati dito?

"S-sorry po, akala ko kasi pusa lang." I apologized for being so careless. Nakakahiya naman nabasa ko pa siya. 

Dahan-dahan siya tumayo mula sa pagkakahiga niya and I noticed how tall he is. He's wearing a black sleeveless top that looks great on him because of his moreno skin tone, ripped jeans, and black slides. He softly combs his hair, giving me a better view of his jawline. He definitely does resemble Tita Lilly. His eyes are in a colors of brown, which I'm sure look gorgeous when the rays of the sun hits them. His nose is fairly pointed, and his lips are pink.

Bakit ko naman tinitignan yung labi niya? 

Kinurot ko ang sarili ko dahil masyado ako nafocus sa mukha niya. Seriously, we're just 1 meter away with each other. Mahiya ka naman Eve!

Well, pasalamat siya di ko naman masyado nakita yung biceps niya na mukhang batak sa paggym. 

Nevermind. 

I noticed that he's also looking at me kaya sure ako na napansin niya na jinujudge ko yung mukha niya. 

Now what? Bakit mukha nanaman siyang galit? Umagang-umaga nakakunot yung kilay niya. Hindi pa siya aware sa good morning?

"T-teka hindi ko naman kasalanan na nabasa kita diba. Malay ko ba na may natutulog sa palayan, first time ko kaya makakita na may natutulog dito. Atsaka akala ko umuwi na kayo." Pagpapaliwanag ko sakanya dahil feeling ko tinatapakan niya na ako sa utak niya sa sobrang seryoso ng mukha niya. 

When the Sky Meets the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon