Liar
TW: Sexual Harassment and Sensitive Language
"Your lips are still so sweet, babe." Malisyosong sabi niya pa habang pinapakitaan ako ng abot tengang mga ngiti.
"Ugali ba yan ng isang future psychiatrist?"
We hugged each other as the wind danced with us. Ramdam na ramdam ko din ang mainit na dala ng araw, ngunit hindi naman ganoon kasakit sa balat. Para lang kaming hinehele ng mga punong nakapaligid saamin. I love this kind of feeling.
"Eve."
"Hmm?"
Iniangat ko ang ulo ko para makita ng maayos ang gwapong itsura ni Adam at kumunot ang noo ko nang makitang napakaseryoso niya na para bang may malalim siyang iniisip.
"Nabitin ako... Pwede pang umisa?"
Dahil sa pagkabigla ay binitawan ko na siya sa pagkakayakap baka kung ano pa ang masabi niya sa harapan ko.
For heaven's sake... Nasa tapat lang kami ng bahay ko!
"Sino mga nakakasama mo sa Maynila at naging ganyan ang ugali ng boyfriend ko?" Pasigaw ko pa na sabi at pinagkrus ang aking mga braso. Sinubukan ko din siyang tarayan baka sakaling maintimidate siya. Pero imbis na maguilty ay lalo pang ngumisi ang lalaki at talagang hindi man lang tinago ang hiya sa mukha niya!
"Okay, fine. Let's just hug each other. Please?" Sabi niya sa mas malambing na tono at ramdam ko kung paano naapektuhan ang puso ko sa boses niya. Mabilisan niya lamang din nahatak ang kanang braso ko na para bang ang gaan-gaan ko lang.
Syempre... Kusa kong pinahatak ang sarili ko dahil marupok ako pagdating sakanya.
"Promise, hug lang?" Pagpapacute ko pa sabay pagtaas ng pinky finger ko. Nginitian niya lamang ako at idinikit niya ang kanyang pinky finger saakin at agad na kinulong ako sa mga braso niya.
I'll never get tired of hugging the man of my dreams. Pakiramdam ko ay nanalo ako sa dati kong buhay kaya sobra-sobra akong minamahal ng taong gusto ko.
"A-ate..."
Natauhan kami bigla ni Adam dahil sabay naming narinig ang mahina at nahihiyang boses ni East at nanlaki ang mga mata ko dahil nasa likod lang pala namin siya. Pinagmamasdan niya kami habang hawak ang isang charmander na stuff toy. Napakamot nalang ako sa batok ko habang si Adam naman ay patuloy sa pag-ubo at kitang-kita ko kung paano namula ang kanyang mga tenga.
"K-kanina ka pa ba dyan, baby East?"
Parang sumabog ang puso ko sa hiya dahil sa pagtango ng kapatid ko kaya masama kong tinignan si Adam habang iwas na iwas naman siya sa paglingon sa amin ni East. Bwiset ka! Kapay yung kapatid ko natraumatize dahil sa pinanggagawa natin... Wala kang halik ng isang taon!
"Eve, kanina pa kita hinahanap at nasa loob na si Aye—" Natigilan bigla si Mama sa pagsasalita nang mapansin niya si Adam na tahimik lang na nakatayo sa likod ko. "Nandito ka pala, iho! Halika't pumasok ka sa bahay at mainit dyan sa labas."
Nahihiyang kumaway at ngumiti si Adam kay Mama at dahil wala naman siyang magagawa ay sumunod na siya kay Mama papasok ng bahay. Kinuha ko lang din ang kamay ni East at sabay na kaming sumunod din kay Adam para maghapunan. Kinurot pa ako ni Mama sa beywang dahil hindi ko daw pinapapasok ang bisita ko lalo na daw ay kutis mayaman itong si Adam.
Favoritism nga naman.
"Buti at napadalaw ka dito, nak? Pasensya na at ito lang ang hapunan namin ngayon at dahil hindi naman sinabi nitong si Eve na may bisita pala kami." Masamang tingin saakin ni Mama habang isa-isa niyang nilalagay sa lamesa ang mga niluto niyang Sinigang na Bangus, Pritong Manok, at ang paborito kong Kare-Kare. "Magpakabusog ka lang dito at mukhang pumapayat ka pa naman."
BINABASA MO ANG
When the Sky Meets the Sea
Teen Fiction"Happiness is a place between too little and too much." When everything appears to be really well, it can imply one of two things: you are living an idyllic existence with your loved ones, or tragedy is approaching. Evelyn Letizia Andres loves her...