Reminisce
"Excuse me, sir. Is everything alright here?" Frost asked to Mr. Zembrano while holding two plates of carbonara.
I heaved a sigh of relief because of Frost's sudden interruption. Until now the Mr. Zembrano man is looking at Frost with a hint of annoyance in his eyes. Ramdam ko na hindi niya ineexpect na may kasama ako dito. Gusto ko man sumingit sa tinginan nilang dalawa dahil nakakahiya na mapansin ni Mr. Zembrano na hindi ako komportable na nakikipag-kilala siya saken, pero hindi ko magawa.
Hindi naman sa agad ko iniisipan ng masama yung mga nakakasalamuha ko lalo na kapag lalaki, nasanay lang kasi ako na hindi nilalapitan kaya ganito na lang yung takot ko at kaba kapag may lumalapit sakin at magpapakilala. Nagmumukha akong may trauma talaga kapag may lalapit kaya hangga't maari ay gugustuhin ko nalang na mapag-isa.
God, ganun ata kapag nasanay ka na walang masyadong nakakausap noong bata ka palang.
"Young lady, is this man an acquaintance of yours?" Mr. Zembrano asked while pointing at Frost now.
"Y-yes po. He's actually a closest friend of mine po."
"Oh, sorry akala ko kasi random guy ka mula sa mga bisita ni Kaiser. Anyway, it's nice to meet you young lady, I have to go na I have an upcoming agenda. Tell Kaiser how wonderful his friends are." He laughed and patted Frost's shoulder as he walked towards the door.
"Eve, are you okay? I noticed something strange when he's talking to you kaya alam ko na di ka komportable sakanya." Frost immediately close the distance between us and checked kung may nangyari ba sakin. He then placed the two plates of carbonara in the mini table and grabbed us a bottled water in the mini refrigerator.
"A-ay sorry Frost, pero okay lang ako. Medyo natakot lang nga ako dun sa lalaki."
"Good thing na agad ako pumasok pala dito. Here drink this first."
"Alam mo ba na may tito si Kaiser na mayor? Parang wala naman kasi akong alam na interested yung family niya sa political parties?" Tanong ko kay Frost dahil bigla ako napaisip na politicians ba yung family ni Kaiser kaya siya bilang estudyante ay humahabol na siyang president sa mga student government.
"Mayor yung lalaki na yon? Parang hindi ko naman nakikita sa socials ni Kaiser na may relatives siyang mayor. Bakit?"
Kaya pala mukhang matapang magsalita yung lalaki kanina. Sanay na magsalita atsaka mukhang nakakaangat. Mabuti nalang talaga umalis na siya kung hindi baka kung ano-anong kamalian na yung nagawa ko dito. Pinahamak ko pa sarili ko tapos damay pa si Frost and Sariah.
"Nevermind na. Kain na tayo." I shrugged my thoughts regarding that Mr. Zembrano.
Sana wala na akong makasalamuha na ganon. Grabe nakakatakot.
Tahimik kaming kumakain ni Frost ng carbonara. Napano kaya itong lalaki na to? Bakit siya nanahimik? Kapag kasama naman namin si Sariah hindi naman siya ganyan katahimik. Feeling ko tuloy kailangan ko mag-isip ng topics para pag-usapan namin. Yung tunog lang kasi nung pag-higop ng noodles yung naririnig.
Bahala na, kahit walang kwenta siguro itatanong ko na sakanya. Baka hindi komportable si Frost kasi napilitan lang siya na samahan ako. I need to at least entertain him. He's my friend naman.
"Frost, bakit Aeronautical Engineering ang pinili mo? Hindi ba lahat ng mga kapatid mo more on business programs yung natapos nila?" I asked the most nonsense question in the world. Parang scrapbook lang ang datingan.
"Hindi ko lang nakikita yung sarili ko na nagmamanage ng business namin. Well... bata palang ako interested na ako sa mga airplanes ganyan, tapos yung mga sales and marketing ganyan, I find it boring and not for me." He said habang nakatingin sakin ng diretso.
BINABASA MO ANG
When the Sky Meets the Sea
Teen Fiction"Happiness is a place between too little and too much." When everything appears to be really well, it can imply one of two things: you are living an idyllic existence with your loved ones, or tragedy is approaching. Evelyn Letizia Andres loves her...