Chapter 7

124 10 1
                                    

Jealous

"Are you okay?"

Agad ako napalingon sa likod ko nang biglang bumulong sa tainga ko si Adam. Ganun nalang ang pagkabigla ko nang pagkalingon ko ay masyadong malapit ang pagitan namin sa isa't isa.

Konting galaw ko lang paharap ay mahahalikan ko siya!

Hindi naman sa pinaplano...

Eve anong iniisip mo? 

Tinignan lang ako ng diretso ni Adam sa mga mata ko dahil sa matagal kong sagot sa tanong niya. Kanina pa kasi siya lapit ng lapit sakin tapos yung boses niya masyadong sweet. 

Hindi ko alam kung ganoon ba talaga siya o sadyang delulu lang ako. 

"A-ah oo ayos lang ako. Iniisip ko lang kung nasaan yung lagayan niyo ng baso?" Sabi ko na sakanya at kung pwede ko lang kurutin ang sarili ko ngayon ay nagawa ko na dahil nautal pa talaga ako sa harapan niya. 

"I'll go get it. Anything else?" 

Napalunok ako sa sweet ng boses niya. 

"W-wala na. T-tawagin ko na ba sina Tita Lilly?" Maikling sabi ko nalang sakanya. 

Lord hindi po ba pwede kumain nalang kami. Feeling ko anytime, anywhere makakagawa ako ng kahihiyan dito. 

"No need to call us Eve. We're here na." 

Nanlaki ang mga mata ko sa boses ni Tita Lilly at nakita ko siyang nakatayo ngayon sa may tabi ng refrigerator. 

Kanina pa ba sila dito? 

"Tita upo na po kayo. Kumain na po tayo." Binigyan ko ng malaking ngiti si Tita Lilly at ganoon din ang ginawa niya sakin. "Tatawagin ko lang po si Papa para kumain." Pagpapaalam ko at umalis na muna sa kusina para hanapin si Papa. Kanina pa kasi siya nagtatrabaho at baka gutom na gutom na siya. 

"Hay salamat nakalabas din sa kusina." Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa mga pwesto kung saan nila nilalagay ang mga deliver naming supplies. "Papatayin ba ako ni Adam sa kaba? T-teka, bakit ba ako kinakabahan sakanya? Aba ngayon ko lang siya nakita?" 

Puro pagpapakalma ang ginagawa ko sa sarili ko habang hinahanap si Papa. 

Nasaan na ba ang tatay ko? 

Hindi naman siguro basta-basta uuwi yon at iiwan ako dito diba? 

"Pa!" Kaway ko kay Papa dahil nakita ko na siyang nag-aayos ng kulungan para sa mga manok.

"Eve, bakit ka nandito? Pumasok ka sa loob at maiinit dito." 

"Hello Pa, kain muna daw po tayo sa loob sabi ni Tita Lilly."

Tumingin-tingin ako sa paligid at napansin na halos patapos na din pala sila sa pag-aayos ng mga supplies. 

"Ganun ba. Sige mag-papaalam muna ako kay Ramon at sabay na tayong kumain." 

Hinintay ko muna si Papa dahil hinanap niya muna yung lalaking palaging inuutusan ni Tita Lilly. Napansin ko na ang ibang trabahador ay nililinis na ang poultry at ang iba naman ay hinuhugasan ulit ang mga prutas at gulay na dala-dala namin kanina. Siguro para hindi pasukan ng mga insekto at mapanatili ang kalinisan at pagkasariwa ng mga ito. 

When the Sky Meets the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon