Back to Good All Days
"Can you tell me what are the three major steps of Central Dogma during Protein Synthesis?"
I keep on scribbling random patterns in my notebook as we have our discussion in Genetics. After the long journey of our OJT, naririto nanaman ako sa pamilyar na daloy ng college life ko. Malapit na kasi ang final exams namin at dahil patapos na ang pangalawang semestre kaya malapit ng ifinalize ang mga grades namin. I tried to stay focused ever since the discussion started, but the words flowing from Mr. De Jesus' mouth seemed to slip past my mind being unprocessed. Sa paningin ko ngayon ay para lang sirang plaka ang mga sinasabing terms ng prof namin at kahit anong gawin ko ay hindi ako makasunod, kahit na alam ko sa sarili ko na nabasa ko na ito.
"Yes, Ms. Cabigting?"
"Transcription, Translation, and Replication." Janella confidently stood up as she recited her answers.
Tumingin ako sa relo ko at napansin na halos mangangalahati na ang discussion namin pero wala pa akong recitation. I quickly scan my old notes to familiarize myself again with the terms and definitions of our lesson.
"Can anyone explain to the class in detail the role of RNA during the protein synthesis?" Mr. De Jesus begins another round of recitation. Narinig ko ang mabilisang paglilipat ng mga pahina ng mga kaklase ko para hanapin ang sagot sa tanong ni Mr. De Jesus. Napansin ko din na naglalakad ng dahan-dahan si Mr. De Jesus sa harapan at pinagmamasdan ang bawat pagkilos namin.
"How about you, Ms. Andres?"
"Hala sir, hindi po ako nagbasa! Inaamin ko na po! Huwag niyo po ako ibagsak!" Dirediretsong sagot ni Sariah kaya nagtawanan ang mga kaklase ko.
"Don't worry, Ms. Andres. You don't need to be so defensive because I already know that." Pabirong sagot ni Sir pabalik kaya napahinga ng malalim si Sariah. "I'm actually pointing at you, Evelyn."
Bigla naman akong nilamig sa pagbanggit ni Sir sa buong first name ko kaya hindi ko napigilan ang sarili kong makaramdam ng pagkataranta. Napansin din siguro ni Sir ang pananahimik ko ngayon sa klase niya kaya ako ang tinarget niya.
Sir, hindi na po ito mauulit promise!
Dahan-dahan akong tumayo sa upuan ko at mabilisan kong sinubukan na hagilapin sa kasulok-sulukan ng utak ko ang sagot sa tanong ni Sir. Kahit hindi ako sigurado ay gusto ko na magkaroon ako ng maisasagot sakanila dahil baka mag-iba ang tingin saakin ng prof ko at pati na din ang mga kaklase ko. Ramdam ko ang mga matang nakatingin saakin at ang paghihintay nila sa magiging sagot ko kaya mas lalo akong nakaramdam ng pressure.
"Sir, the ribonucleic acid is responsible for creating proteins through the process of translation. mRNA, rRNA, and tRNA are the main types of RNA that play major roles during protein synthesis, and each one of them performs a specific function. Another role of RNA is that it is responsible as a carrier of genetic information that is being translated by an organelle ribosome, resulting in production of proteins needed for cellular processes and other biological functioning." I simply recited.
"Very well said, Ms. Andres! You may take your seat now."
Napahinga ako ng malalim nang makita ko na nilagyan ng 5 points ni sir ang pangalan ko sa kanyang class record. Buti nalang talaga ay binasa ko na ito noon pa kaya kahit papaano ay natatandaan ko pa yung mga simpleng definitions at functions. Advanced reading is the key talaga.
"Girl, nag-OJT lang tayo bakit parang naging lutang ka na?" Sariah exclaimed as we ate our lunch in the canteen.
"What? What happened to her?" Dagdag pa na tanong ni Aseana habang malisyosa akong pinagmamasdan.
BINABASA MO ANG
When the Sky Meets the Sea
Teen Fiction"Happiness is a place between too little and too much." When everything appears to be really well, it can imply one of two things: you are living an idyllic existence with your loved ones, or tragedy is approaching. Evelyn Letizia Andres loves her...