8 Letters
It's already 6:30 in the evening at kakarating ko lang sa FCMC campus. Mas madaming mga pailaw at booths ngayong araw kumpara sa kahapon dahil siguro ngayong araw na ang last day ng foundation day nila.
Nahihiya akong naglalakad sa mga booths dahil parang ata masyadong naging bongga ang ayos ko ngayon. I'm wearing a bright yellow dress that reaches my knees, white sandals, and a yellow ribbon to match my flawlessly curled half ponytail hairstyle.
Agad na nahagilap ng mga mata ko si Adam na nakaupo sa bench. He's dressed in a pale yellow tight shirt that fits well around his gorgeous biceps and white slacks. His hair is once again neatly gelled, and he appears to have planned ahead of time for tonight.
Talagang matchy kami ng outfit ngayon! Napaghahalataan na clingy!
"Hi," Nahihiyang bati ko sakanya.
Napansin ko ang pagkatulala niya nang makita ako. He's mouth slightly formed an o, at hindi ako sigurado kung imagination ko lamang ito, but his eyes look like they are in a sparkle shape.
Tama yan Adam, maging patay na patay ka saakin ngayon!
"Wow! You look like a goddess, Eve!"
Hindi ko na napigilan ang pamumula ko dahil sobrang straightforward niyang magsalita.
Gusto niya ba ako atakihin ngayong gabi?
"Sira ka! Bakit ang aga mo? 7:00 pa naman usapan natin ah!" Pang-iiba ko sa usapan. Hindi niya dapat mahalata na ganoon ang epekto niya saakin dahil kailangan niyang panagutan na siya ang unang umamin at hindi ako.
He sweetly smiled which made me have a good glimpse of his deep dimples. I miss his smile so much. "Well, I just got overjoyed since you called earlier. I can't wait to see you, especially now that you look so beautiful."
"Hindi mo ako madadaan sa mga ganyan!" Pagbibiro ko sakanya at natawa ulit siya. "Saan pala tayo lilibot? Ayusin mo ah kasi last day na ngayon. Gusto ko malibot natin lahat ng magaganda."
"Bakit pa natin lilibutin ang mga magaganda, kung nasa harapan ko lang naman ang tunay na maganda?" Seryoso niyang sabi.
Ako naman ngayon ang nabigla dahil parang may nag-iba kay Adam ngayon. Hindi naman siya ganito magsalita noong hindi pa siya umaamin saakin ah?
"T-tara na nga!" Nauna na akong maglakad sakanya at agad ko naman naramdaman ang pagsunod niya saakin, ngunit naririnig ko din na pinipigilan niya ang pagtawa niya dahil siguro sa naging reaksyon ko sa corny niyang pick-up line.
"Sige tumawa ka pa at uuwi na ako!" Naiinis kong sabi sakanya dahil hindi pa din siya tumitigil kakapigil sa tawa niya. Bakit hindi nalang kaya niya ilabas ng isahan para naman makapag-move on na siya, hindi yung pinipigilan niya pa ng ganyan?
"Fine, I'm sorry! I won't laugh at you na. You look so cute kasi nung sinabi ko kanina yun." Patawa niya pang sinabi at dahan-dahan na ipinatong ang kanyang braso sa ulo ko.
I like it. We look so close and happy together, as if we have already moved on from the past. We appear to have forgotten the past, and all that matters now is that we are both happy together.
"Here! Here! The crepe here is so masarap!" Masaya niyang sabi at inihatak niya ang aking palapulsuhan papunta sa booth kung saan mayroong nagtitinda ng crepe.
In my perspective, Adam now looks so carefree. He does not look intimidating nor reserved. He's just happy and having fun.
"What flavor do you like?"
BINABASA MO ANG
When the Sky Meets the Sea
Teen Fiction"Happiness is a place between too little and too much." When everything appears to be really well, it can imply one of two things: you are living an idyllic existence with your loved ones, or tragedy is approaching. Evelyn Letizia Andres loves her...