Chapter 6

129 10 0
                                    

Hacienda en Cervante Saavedra

"Tulooong! Tulungan niyo po kami!" An unknown girl kept on crying and sobbing. Humihingi ng tulong sa mga kapitbahay pero tinitignan lang siya. 

Maiinit at mausok ang  paligid. Nakatayo lang ako sa tapat nung babae. Hindi ako makagalaw. 

I can feel that she's glaring at me deeply kahit na hindi ko nakikita ang kanyang mukha. She's looking at me as if I'm the one who did this to her. 

I heard screams. 

Screams from the inside of the blurry structure. 

I hear sobs. 

Sobs from the outside.

"Bagay sainyo yan! Mga matatakaw sa pera!"

"Sana pati ang mga anak mawala na din sila!"

"Mga magnanakaw!" 

Nakakabingi ang mga pagbibintang nila. 

Nasaan ako?

Bakit nandito ako? 

Sino sila?

Nabigla ako nung biglang may humawak sa kanan braso ko. It is a child now. A young girl. 

"Kasalanan mo ito! Masyado kayong naging mabait! Tignan mo ang nangyari! Tignan mo!"  The young girl kept on yelling at me. She's holding my wrist tightly. She's sad and angry. I can feel it.

"Eve! Eve! Eve!" Tawag ni Papa sakin para magising ako. 

I open my eyes slowly at agad ko nakita ang mukha ni Papa sakin na nag-aalala. 

I was dreaming.  Probably a nightmare. 

Pero ano iyon? 

Sino yung nasa panaginip ko? 

"Binabangungot ka ata anak. Tignan mo pawis na pawis ka tapos umiiyak ka pa." Nag-aalalang sabi ni Papa sakin. He wiped my sweat with his towel and fixed the strands of my hair. 

Hindi ko napansin na may bakas nga ng luha sa mata ko. 

"Oo nga po Pa eh. Kanina pa po ba ako binabangungot?" I asked my Papa. 

"Hindi naman. Dahil siguro sa pagod yan kaya hanggang sa pagtulog mo ay kung ano-ano ang nasa isip mo." Napansin ko ay hindi na siya nagmamaneho. Inilibot ko ang paningin ko at laking gulat ko nalang na nasa tapat kami ngayon ng isang malaking lupain. "Eve, uminom ka muna ng tubig oh." Sabay abot sakin ng isang bottled water. 

"Pa nasa Maynila naba tayo?" 

"Oo anak. Kakarating lang natin. Mag-ayos ka na at bababa na tayo. Tulungan mo ako magbuhat nung mga dala natin." Utos ni Papa sakin at agad na siyang lumabas sa driver's seat para kunin ang mga gamit sa likod ng truck. 

Umabot na pala ng apat na oras yung tulog ko. Sabi ko pa naman sa sarili ko ay ipipikit ko lang ang mga mata ko at magpapahinga. Tapos sasamahan ko si Papa sa pagmamaneho sa pamamagitan ng pakikipag-chikahan sakanya. 

When the Sky Meets the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon