On The Way
"Repression is a type of defense mechanism of Sigmund Freud that occurs whenever you unconsciously suppress unpleasant emotions, impulses, memories, and thoughts from your conscious mind as a way to reduce feelings of guilty and anxiety. "
I was reading the book titled as "The Ego And The Mechanisms Of Defence" of Anna Freud. I recently borrowed the book in our university library and I find it interesting kahit na hindi naman ako psychology major. Nagbabasa ako ngayon sa tree swing namin sa flower garden dahil presko dito at sobrang gandang tignan ng mga bulaklak habang nagbabasa ka.
"So ang repression ay nangyayari kapag may naexperience kang isang traumatic event sa buhay mo, tapos dahil sa paglipas ng oras na akala mo ay nabaon na sa limot yung sakit na naramdaman mo pero ngayon pala ay naitago mo lang ito sa takot na masaktan ka ulit." Pagpapaliwanag ko sa sarili ko para mas maintindihan ko lalo ang binabasa ko.
"Eve, sumama ka sakin at pupunta tayo ng Maynila ngayon!" Sigaw ni Papa sakin kaya agad ako napatayo sa swing.
Hindi ko alam na pupunta pala kami ng Maynila ngayon?
"Pa! Bakit po tayo pupunta sa Maynila?" Tanong ko sakanya habang palapit akong naglalakad sakanya. Nasa may taniman kami ngayon ng kalabasa at napansin ko na maganda ang pagkakatubo ng mga pananim namin na kalabasa ngayon. Mukhang malaman at naalagaan ng mabuti.
"Nagmessage kasi sakin ang Tita Lilly mo at gusto niya ay magdeliver tayo ngayon ng mga mangga, bayabas, at pati na din ang ibang alaga nating mga manok sa hacienda nila." Pagpapaliwanag ni Papa sakin.
Agad na nanlaki ang mata ko sa gulat. Si Tita Lilly? Yung Mom ni Adam? Ibig sabihin makikita ko na din si Adam?
Para akong nabuhayan sa sinabi ni Papa kaya hindi ko namalayan na napakaluwag na pala ng ngiti ko ngayon sakanya.
"Alam ko na bakit ka masaya!" Agad na napawi kung ano man ang nasa isipan ko dahil sa sinabi ni Papa. "First time mo kasi dadalaw sa Maynila kaya ganyan ka kasaya!" Sabi niya at sinundan niya pa ito ng pagtawa.
Akala ko naman anong sasabihin niya...
Akala ko sasabihin niya excited ako makita si —
Nevermind.
"Opo Pa, pero tayo lang po ba dalawa? Hindi po ba sasama si Ate Zaniyah, Mama, at East?" Tanong ko kay Papa dahil ang alam ko kasi ay hindi pa nakakapunta din sa Maynila sina Ate Zaniyah at East. Si Mama naman ay palagay ko kahit papaano ay nakapunta na siya doon. Kaya lang mas masaya kasi ang biyahe kapag kasama sila.
"Ang ate Zaniyah mo ay busy dahil may trabaho siya ngayon, tapos si East naman ay nasa eskuwelahan pa, habang ang Mama mo naman ang magbabantay daw sa farmhouse habang wala tayo."
Tumango na lamang ako sa sinabi ni Papa at nagpaalam na magbibihis na ako. Panigurado ay gagabihin kami dahil malayo ang Maynila sa Arayat. Tapos sigurado ako na magkukwentuhan pa si Papa kasama sina Tita Lilly at Tito Isaiah.
Tamang-tama makakausap ko din si Adam, tapos pwede ko naman siguro tanungin sakanya kung ano ang mga bagay na ginagawa namin nung mga bata pa kami.
Sa sobrang excited ko ay patalon-talon pa ako habang naglalakad papunta sa kwarto ko at mahinang kumakanta. Kapasok na kapasok ko sa kwarto ko ay dumiretso ako sa cabinet ko at agad kong kinuha ang light pink long cami dress na kabibigay lang sakin ni Sariah bilang kabayaran daw sa kabutihan ko na hindi ko siya sinumbong sa Mama niya.
BINABASA MO ANG
When the Sky Meets the Sea
Teen Fiction"Happiness is a place between too little and too much." When everything appears to be really well, it can imply one of two things: you are living an idyllic existence with your loved ones, or tragedy is approaching. Evelyn Letizia Andres loves her...