Campaign Period
"Ang lakas naman ni Tito! Puro mukha niya yung nadadaanan natin!" Maligayang pagsabi ni Sariah habang sabay-sabay naming pinagmamasdan ang mga campaign posters ni Papa.
Kahit din ako nabigla dahil sa sobrang daming posters na nakadikit at tarpaulin na nakasabit sa bawat bahay at posteng nadadaanan namin.
"You did not tell me that much about Tito's campaign." Mabilis akong pinagmasdan ni Adam at sabay hinawakan ang kamay ko ng marahan. "Is that why my princess is so excited to go home?" Dagdag niya pa sa malambing na salita.
I gently smiled at him and held his hand tightly. Totoong hindi ko masyado nasabi sakanya ang tungkol sa pangangampanya ni Papa. Mas nauna kasi ang excitement ko na makabalik sa farmhouse namin kaya nawala na tuloy sa isip ko na sabihin pa kay Adam.
"My princess amputa..." Reklamo ni Sariah sa likod.
Sabay kaming natawa ni Adam sa naging reaksyon niya at tinubuan tuloy ako ng hiya kaya pabiro kong binitawan ang kamay ni Adam.
Napakabitter ng pinsan ko!
"We're here!"
Lalong bumilis ang kabog ng puso ko dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag nakita ko na ang pamilya ko. Sobrang namiss ko sila at parang unang tatalon ang puso ko kaysa saakin.
Hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad-agad akong bumaba sa sasakyan ni Adam. Napanganga pa ako sa pagkabigla dahil sa dami ng tao sa loob ng farmhouse namin na para bang napakalaking handaan ang nagaganap ngayon. Madami din ang mga nakasabit na tarpaulin ni Papa at may iilang mga tao pa na may suot na damit na kulay dilaw at nakaprint doon ang mukha ni Papa na nakasulat ay "Para sa pagbabago!" May ilan din na may bitbit pang mga posters, pin, at bottled water.
Inilibot ko na agad ang mga mata ko para kina Mama, Papa, Ate Zaniyah, at East, pero sa dami ng tao ay hindi ko sila makita. Hinanap ko muna si Adam at nakita ko siyang nagbababa ng gamit namin ni Sariah sa sasakyan niya, at nang magtama ang tinginan namin ay tinuro-turo ko sakanya ang loob ng farmhouse namin para magbigay hudyat sakanya na papasok muna ako sa loob. Agad naman nakuha ni Adam ang ibig kong sabihin at marahan na tumango ito at sinamahan pa ng isang maaliwalas na ngiti.
Because of my happiness and excitement, agad akong tumakbo paloob sa farmhouse namin at masayang hinahanap ang pamilya ko. Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa farmhouse namin ay agad akong nabuhayan dahil sa namiss kong amoy ng bahay namin.
It feels nostalgic to be back at home.
"Eve, ikaw ba yan?" Sigaw ni Ayesha saakin sa likod.
I jumped towards her and I hugged her tightly because I miss her so much. Pareho kaming tumitili sa sala namin ngayon at hindi ko namalayan na may hawak pala siyang isang tray ng pagkain at mabuti nalang ay hindi niya ito nabitawan.
"Buti nandito ka? Saktong-sakto campaign ng Papa mo ngayon."
"Tapos na yung OJT ko sa Maynila. Ngayon ako umuwi para surprise kina Mama at Papa." Proud ko pang sabi sakanya at ramdam na ramdam ko ang ngisi ko na para bang aabot hanggang tenga. "Nasaan pala sila?" Excited ko pa na tanong.
"Ay hanapin mo si Tita sa kusina. Sigurado ako na matutuwa yun sa pagbabalik mo!" Sabi ni Ayesha sabay baba ng dala niyang ulam sa lamesa na kung saan nakalagay din ang ibang pagkaing niluto nila.
BINABASA MO ANG
When the Sky Meets the Sea
Teen Fiction"Happiness is a place between too little and too much." When everything appears to be really well, it can imply one of two things: you are living an idyllic existence with your loved ones, or tragedy is approaching. Evelyn Letizia Andres loves her...