The Day
"Anak?"
Natulala ako ngayon sa kinatatayuan ko dahil hindi ko inaasahan na naririto sa harapan ko si Mama. Wala akong masabi na kahit anong salita na para bang umurong ang dila ko, at pakiramdam ko na hindi gumagana ang utak ko ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko lalo na ay kalalabas lang ni Dr. Amorè sa kanyang clinic.
"M-ma?" Ang tanging mga salita na lumabas sa bibig ko.
"Kumusta ka na anak? Sobrang namiss kita." Lumapit saakin si Mama at yumakap saakin ng mahigpit.
Pinipigilan ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko at ang pamamawis ng buong katawan ko. Feeling ko anytime ay sasabog ako sa harapan niya.
"M-ma, anong ginagawa niyo po dito?"
Mama smiled at me and she caressed my hair gently which made me crave for her warmth presence and care.
"May delivery kasi kami ni Papa mo dito sa Maynila, tapos sabi ko sakanya na bisitahin ka muna saglit dahil ang alam ko ay malapit lang ang hospital kung saan ka nag-OOJT sa pinag-delivery namin. Alam mo anak, ang laki-laki naman ng hospital na ito. Proud na proud kami sayo!" She held my hand and caressed it. I noticed how her eyebrows furrowed when she saw the callouses between my fingers.
"Si Papa po? Nasaan siya?" Kinakabahan kong tanong sakanya.
"Naghahanap ng parking, tapos ay didiretso siya dito para bisitahin ka din. A-anak, bakit naging ganito ang mga kamay mo? Inaalagaan mo ba ang sarili mo dito?" Puno ng pag-aalala ang expression sa mukha niya at ramdam na ramdam ko ang tensyon na bumabalot sa paligid ko.
"E-excuse me, Ms. Andres. Is she your mother?" Dr. Amorè interrupted which made us looked at her.
Natahimik ako bigla at tuluyan ng namamawis ang aking noo at leeg. Nakatingin lang pareho saakin si Mama at si Dr. Amorè dahil hinihintay nila ang sagot ko.
"Opo, ako po yung Mama niya. Bakit po? May problema po ba? Ay hindi po gumagawa ng gulo yung anak ko dahil napakabait at sipag niya po."
Dr. Amorè chuckled a bit. "Hello po, Mrs. Andres! Huwag po kayo mag-alala dahil wala naman pong problema kay Ms. Andres..." She quickly glanced at me, and I flashed her a sad and worried expression because I'm not sure what I will do if Mama finds out what happened to me.
"Mama, gusto niyo po ba kumain tayo sa canteen? Ililibre ko po kayo?" Biglang paghawak ko sa braso ni Mama at sinusubukan siyang hilahin palayo kay Dr. Amorè. "Maraming salamat po dito, Dr. Amorè."
"Wait lang anak, may sinasabi pa ata saakin ang doctor-"
"Ma please, marami pa po siyang ginagawa at may mga pasyente pa po siya... Baba na po tayo."
Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko na ilang segundo lamang ay babagsak ang mga luha mula sa mga mata ko. Ramdam ko an din ang pagsisimula ng panginginig ng kamay ko kaya napatingin si Mama sa mga kamay ko.
"Doc, ano po yung sasabihin ninyo?" Lumakad pabalik si Mama sa direksyon kung saan nakatayo si Dr. Amorè at mabilisan akong sumunod sakanya. Tinitignan pa din ako ni Dr. Amorè na para bang ipinapahiwatig ng kanyang mga mata ang rebelasyon na ikinakatakutan ko.
"I'm sorry, Ms. Andres. But your Mom needs to know about this matter."
"Doc-" Naluluhang sabi ko habang hawak-hawak ang kamay ni Mama.
"Ano po iyon?" Nalilito na si Mama saaming dalawa ni Dr. Amorè dahil palagay ko ay nakakaramdam na siya.
"Your daughter... She's sick. Really sick."
BINABASA MO ANG
When the Sky Meets the Sea
Teen Fiction"Happiness is a place between too little and too much." When everything appears to be really well, it can imply one of two things: you are living an idyllic existence with your loved ones, or tragedy is approaching. Evelyn Letizia Andres loves her...