Prologue

1.6K 87 0
                                    

The stars were shining brightly up above. Pakiramdaman ko, hinihila ako nito papunta sa kanila at hahayaang manirahan kasama nila.

Malaya sila kung titingnan mula rito sa malayo. Malaya sa lahat ng bagay, malaya mula sa panghihigpit ng mundo.


I've always been wishing it to happen. To live with the stars. To sleep above the moon with my head peacefully resting on a piece of clouds.

Ano kaya ang pakiramdam? Masarap ang manirahan sa tahimik na lugar. Iyong pagmulat ng mga mata mo, mga naglalakihang ulap agad ang bubungad sa iyo. At sa isang dako, matatanaw mo ang mga ibon kasama ang mga paroparo na nagliliparan paikot sa mga bituin.

Kapayapaan...

Iyon lang ang tanging hiling ko na pakiramdam ko ay ipinagkakait sa akin ng mundo.

Sa tuwing didilat ang aking mga mata sa umaga, ayoko ng sigawan. Ayokong marinig ang mga 'yon pero tila ito na ang nagiging almusal ng aking mga tainga.

"Wala akong anak na bakla!" Kasabay nang sigaw na iyon mula kay Papa ay ang malutong na sampal patungo sa aking pisnge.

Hindi ako kumibo, o ipakita man lang na nasasaktan ako sa sampal na iyon. Ngunit ang mga luha mula sa mga mata ko ay walang tigil na dumaloy pababa sa pisnge ko na ngayon ay kulay pula na.

"Gerald, tama na. Hindi mo na kailangang saktan ang anak mo," sabi ni Mama sa likuran ni Papa.

Bahagya ang ginawa kong pag-ayos ng sarili ko mula sa pagkakaluhod at saka sila tiningala.

Walang emosyon ang mga mata ni Mama, pero alam kong ayaw niyang sinasaktan ako ng kahit sino. Pero kagaya ni Papa, ayaw niya sa mga taong katulad ko. Sa tingin nila, isa iyong kasalanan at ang pagiging iba sa mga tao ay isang malaking kasalanan sa bibliyang araw-araw nilang binabasa.

Pero, ang pananakit ba ay kabilang sa kasulatan ng Diyos?

Can someone who believes in God harms someone if they think their actions and beliefs aren't written in the Bible?

Nakakagulo. Pero, pinililit kong intindihin sila. Dahil baka ginagawa nila ito dahil sa rasong ayaw nila akong pagtawanan at ikahiya ng mga tao.

But, the people who I thought can protect me, is the one causing me to broke my soul into pieces.

And right after I saw my Father having an affair with other woman, witnessing my Mother's downfall and realizing that the family that I wished to have someday slowly falling apart, I left.

I left them. Without even telling them how I suffered with them.

But I am willing to forget it all. I am willing to bury the pain I have from them.

Kaya kong kalimutan ang lahat ng iyon, because even after being through pains, I was once a child who's yearning for their love and care.

When Skies Went Dark (Starry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon