Chapter 5

609 51 0
                                    

"Kanina ka pang nakatanga diyan, kumain kana muna kaya?"

Mula sa pagkakatitig sa mga naglalakad na mga estudyante, bumaling ang tingin ko sa babaeng natatakang nakatingin sa'kin.

Naibaba ko ang tingin sa cellphone at nakitang ilang minuto na lang bago magsimula ulit ang klase.

Hindi na natanggal sa isip ko ang pag-uusap ni Theo at ng mga magulang niya kagabi.

Hindi ko na rin nakita pa si Theo na bumaba at lumabas ng kuwarto niya.

Ang narinig ko kanina ay pansamantala muna na titira si Meagan sa bahay dahil daw wala pa itong nahahanap na bahay na paglilipatan niya.

Sa bahay na lang muna raw siya hanggang sa makahanap ng matitirhan.

Nag-aalala ako para kay Theo dahil alam kong hindi pa rin ito lumalabas ng kuwarto niya hanggang ngayon.

Isang katanungan lang ang nangingibabaw sa akin ngayon na naging dahilan kung bakit wala ako sa sarili buong klase at hanggang ngayon.

Bakit gan'on na lang ang galit ni Theo sa babae?

Ayokong mag-isip ng kung ano sa dalawa dahil hindi ko rin naman sigurado kung may relasyon nga ang dalawa noon.

Napahinga ako nang malalim at nagsimulang kumain.

Nang tingnan ko ang babae ay may kinakalikot na ito sa cellphone nang nakangiti.

"Ikaw din naman, kanina ka pa diyan na nakangiti," usal ko rito.

Umirap lang ito at bumelat sa akin bago ibinaba ang cellphone na hawak saka nagsimulang kumain.

Natapos ang break time pero wala ako sa huwisyo para makinig kaya buong oras lang akong nakatitig sa orasan, hinihiling na matapos na lang agad ang oras.

Wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi ni Ma'am dahil bukod sa mahinhin ang boses nito ay lumilipad din ang isip ko sa kung saan.

Ang narinig ko na lang na sinabi ni Ma'am Lurika bago kami i-dissmiss ay next week na ipapasa 'yong interview.

"May nahanap na akong mai-interview, ikaw ba?" Napalingon ako sa sinabing iyon ni Yuna habang binabaktas namin ang palabas ng university. Sino naman?

"Wala pa ako. Sino ang nahanap mo?"

Umiwas ito ng tingin at bahagya pang inayos ang hibla ng buhok niya sa likod ng tainga niya.

"Si Daxon. Ano kasi, nasabi ko sa kaniya ang tungkol dito kaya nag-volunteer siya. Hindi ko naman siya pinilit, nagkusa talaga siya," mahabang paliwanag niya dahilan para bahagya ko itong mairapan.

"Okay, hindi mo siya pinilit."

"Talagang hindi! hindi ko naman gawaing mamilit lalo na sa mga lalaki," anito sa matapang na boses kaya tahimik akong natawa roon.

Nakarating ako sa bahay nang maaga dahil maaga rin kaming dinissmiss ni Ma'am kanina.

Naabutan ko pa si Meagan na nagwawalis ng bakuran. Hindi ako nito napansin dahil nakatalikod ito sa gawi ko.

When Skies Went Dark (Starry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon