Chapter 1

1.1K 70 14
                                    

Maingay sa loob ng gym nang makapasok ako. Maraming mga estudyanteng nakakalat.

Hindi ko alam ang program ngayon pero dahil sinabi ni Ma'am na may plus points ang attendace, dumeretso na kaagad ako rito kahit pa balak ko nang umuwi at magluto nalang sa bahay para may pagkain na mamayang gabi.


"Cain! Dito!" Yuna called me as she lift her hand to wave at me.

Bahagya akong ngumiti at naglakad papunta sa kaniya. Sa dami ng mga estudyante, nakapag-reserve pa siya ng upuan para sa'kin.

Ang daming nakatayo sa gilid na nakasimangot ang mukha dahil mainit sa loob ng Gym tapos wala pang sapat na upuan.

"Anong ganap ba ngayon?" Tanong ko rito nang maupo ako sa tabi niya.

Umiling siya at nagkibit-balikat. "Hindi ako sure, pero mag-iintroduce siguro ng mga new members ang Sky Publication."

Tumango ako at umayos ng upo. Alam kong mamaya pa ito magsisimula dahil nakakalat pa rin ang mga estudyante sa paligid.

Wala pa rin ang ang mga members ng Sky sa stage kaya marahan kong ipinikit ang mga mata.

Inaantok ako. Wala akong maayos na tulog simula kahapon dahil sa ni-review ko magdamag ang isa naming subject.

Kailangan kong maipasa 'yon para ma-exempted ako sa susunod na quiz.

Hindi naman siya mahirap, more on enumerations at essay lang naman iyon kaya confident pa rin ako kahit papaano sa score ko.

Alam kong maipapasa ko 'yon dahil luckily, lahat nang inaral ko ay lumabas.

I sighed, remembering what Tita Martha told me about how proud she was for me being consistently included in the top achievers.

Masaya naman ako roon, sa totoo nga niyan ay nagaganahan akong mag-aaral nang mabuti with a thought na mayroong magulang na magiging proud sa mga achievements ko.

Masaya ako dahil kahit sa ilang buwan pa lang na naninirahan ako sa bahay nila, ganoon na agad ang pakukitungo nila sa'kin.

Isa pa, libre ang pagpapaaral nila sa'kin kapalit ng pagtatrabaho ko sa bahay nila. Mabait din sa'kin ang asawa nitong si Mr. Geo Cortes.

Iyon nga lang, whenever we were talking about grades and stuffs, hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt dahil naikukumpara ako nito sa anak niyang si Theo.

Basagulero kasi ito at bilang natatanging anak na susunod sa yapak ng mga magulang niya, gusto ni Tita Martha na mag-aral ito nang mabuti at baguhin ang sarili.

Sa totoo nga niyan ay mayroon kaming daily sessions every weekend tungkol sa mga subjects na nahihirapan siya.

Ayos lang naman sa'kin iyon dahil bukod sa utos iyon ng mama niya na hindi ko matanggihan, maganda rin na naaaral ko na ang mga topics sa senior high dahil balak ko sanang kumuha ng strand na parehas nang sa kaniya.

Ang kaso nga lang ay ayaw naman ni Theo. Pumapayag ito minsan pero labag naman iyon sa loob niya at nakabantay pa ang mama niya kaya wala itong nagagawa.

Galit ang anak nito sa'kin. Wala naman akong galit sa kaniya kahit pa ilang beses na ako nitong nasumbatan at nasamaan ng tingin.

When Skies Went Dark (Starry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon