Chapter 19

317 13 0
                                    

Maaga akong nagising dahil masyadong maingay ang alarm clock na nakapatong lang sa bedside table ko.

Nang tingnan ko naman ang bintana para tingnan ang labas ay medyo dumudungaw na rin ang araw sa mga ulap.

Tumayo ako at pinatay ang alarm clock bago dumeretso sa banyo. Matapos maligo at makapag-ayos ay bumaba na rin ako kaagad. Hindi na ako nag-abalang patuyuin ang buhok ko at sinuklay nalang habang bumababa.

Nadatnan ko sa sala si Dale na nagkakape habang kalong-kalong si Caindel sa hita niya. Si Meagan naman ay nilalaro ang asong binili ni Theo kahapon.

"Good morning," bati ko dahilan para mapatingin sa'kin ang dalawa. "Si Theo? Umalis na?"

I roamed my eyes to look for Theo but he's still not here. Wala rin namang tunog sa cr o kahit sa kusina.

Dale shrugged both of his shoulders. "Baka nasa kuwarto niya pa."

Lumapit ako sa maliit na salamin na nakapatong sa divider at doon ipinagpatuloy ang pagsuklay.

Mahirap nang patuyuin ang buhok ko dahil humahaba na kaya balak kong magpagupit mamaya. Para na rin sa part time na pag-aaply-an ko mamaya, baka may allowed na haircut, eh.

Tumango ako sa lalaki bago inilapag ang suklay sa tabi ng salamin bago dumeretso sa kusina para magtimpla ng kape.

Pansin kong may nakahanda nang pagkain doon kaya pasimple akong dumungaw sa pinto ng kusina.

"Sinong nagluto?"

Meagan smiled. "I did. Pansin ko kasing parang pagod ka kaya hindi na muna kita ginising."

"Oo nga! Hindi na kita naabutan kagabi pero ang alam ko, hinintay ka ni kuya Theo sa labas," sabat ni Dale na hindi ko na nasagot dahil pumasok na ako sa kusina para tapusin ang pagtitimpla.

Lumabas ako kaagad habang pasimpleng sumimsim doon bago umupo sa sofa.

"Who brought this dog? I didn't noticed it yesterday since I came home late," Meagan spoked, rubbing the dog's back.

"Si Theo," I said, sipping with my coffee. Tumango siya roon at ipinagpatuloy ang paglalaro sa aso.

Tiningnan ko ang relo ko at napansing medyo maaga pa kaya nagpaalam ako sa dalawa na tataas na muna ako.

Nakasara ang pintuan ng kuwarto ni Theo nang makarating ako kaya tatlong beses ko itong kinatok bago pumasok.

Napailing ako nang madatnan siyang nakahilata pa rin sa kama niya.

Really, this guy.

Hindi na ganoong makalat ang kuwarto niya kaya hindi na rin ako madalas na nakakapasok dito.

Lumapit ako sa lalaki at paulit-ulit na niyuyogyog ang katawan niyang nakabalot sa kumot. Taging ungol lang ang isinasagot nito sa'kin kaya sapilitan kong tinanggal ang kumot niya.

Bumungad sa'kin ang nakapikit na mukha ni Theo. Wala na naman siyang suot na damit. Alam kong may suot siyang boxers pero hindi ko tinanggal ang kumot sa parteng iyon ng katawan niya.

"10 minutes, Cain," paos ang boses niya nang sabihin iyon.

Huminga ako ng malalim. "Okay. 10 minutes and after that you'll take a bath or else..."

Ang kaninang nakapikit niyang mga mata ay unti-unti bumukas na mabilis namang nakuha agad ng mga mata ko.

"Or else what?"

"Or else ako mismo ang magpapaligo sayo!" malaking ngisi ang ibinigay ko sa kanya ngunit mali atang sinabi ko iyon dahil nakangisi itong bumalik ulit sa pagkakahiga at nagtalukbong pa ng kumot.

When Skies Went Dark (Starry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon