Chapter 12

543 31 9
                                    

Mabilis na lumipas ang araw at ngayon na nga ang araw ng basketball league.

The entire UC became crowded because students from other schools also attended to support their players.

Nakasuot sila ng mga t-shirt na kakulay ng mga jersey ng players nila.

Yuna and Dale wore a sky blue t-shirt na may naka-print na 'Go UCnians' sa harapan. Hindi ko pa nasusuot ang sa akin dahil nakalimutan ko itong kunin kahapon dahil sa pagmamadali.

Mabuti na lang at kinuhanan ako ni Yuna sa office kaya susuotin ko nalang 'to mamaya.

"May mga booths! Omg!" Yuna shouted, covering her mouth.

"What!? Where?" Tanong naman ni Dale at luminga-linga pa para harapin ang tinutukoy ng babae.

Sinadya ng mga SSG officers na maglagay ng mga booths dahil alam nilang ganito karami ang mga estudyante na dadalo. And also for the students to enjoy their stay in the campus.

At dahil hindi pa naman nagsisimula ang laro ay minabuti naming maglibot-libot muna.

May mga nagtitinda ng teddy bears at mga bulaklak. Mayroon ding nagco-costumize ng mga shirts na may nakalagay na bola sa likuran.

We ended up in a toy machine na si Dale at Yuna lang naman ang nag-enjoy. I was just following them at the back.

Mukha tuloy akong alalay na sumusunod lang sa kung saan sila pupunta.

"Sino namang pagbibigyan mo niyan?" Irita pero nakangising tanong ni Yuna kay Dale na may hawak-hawak na ngayong teddy bear na napanalunan nito kanina.

Inangat nito ang hawak na kulay brown na teddy bear bago niya ito niyakap ng mahigpit.

"You want it?" mapang-asar na boses nitong tanong sa babae.

Kanina pa kasi gustong makuha ni Yuna ang laruang iyon na si Dale ang nakakuha. Panay din ang talo nito kaya inaasar ito ngayon ng lalaki.

Biglang lumiwanag ang mukha nito. "Really? Akin na!"

She tried to catch it from Dale and since Yuna is taller than him, nakuha niya ito kaagad.

"Akin na! Napanalunan ko 'yan, e!"

Yuna stock out her tongue. "Kunin mo sa'kin!"

Tumakbo si Yuna na hinabol naman ng lalaki kaya sa huli ay naghahabulan ang dalawa na parang mga bata.

"What happened to them?"

Napatingin ako kay Daxon na kakarating lang at ngitian ito. He is also wearing the same shirt na pinatungan niya ng leather jacket na bumagay naman sa kanya.

"Ewan ko sa mga 'yan," I chuckled.

"Akin na kasi! Para kay Daxon 'yan, e!" Dale shouted, catching his breath.

Nang tumakbo ang babae sa harapan ni Daxon ay kaagad itong kinuha ng lalaki mula sa babae.

Hinihingal na nakarating ang dalawa sa harapan namin. Si Yuna ay masama ang tingin kay Daxon habang si Dale naman ay tumabi rito.

"Is this for me?" Daxon asked, raising the teddy bear in his hand.

Tumango-tango si Dale. "Cute 'diba? Ang mahal niyan."

"Char, isang token lang naman nagastos niya," bulong ni Yuna sa tabi ko.

Daxon smiled and tapped Dale's head. "Is this your gift for me? Or you have something to tell me, do you?"

Doon sumilay ang ngiti sa labi ni Dale at dahan-dahan itinuro ang isang stall kung saan may nagtitinda ng large sized hotdog.

"Kailan naging ganiyan ka-close ang dalawang 'yan?" Yuna whispered, judging the two guys infront of us.

When Skies Went Dark (Starry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon