Chapter 15

517 22 9
                                    

"Are you okay?"

Bahagya kong naiangat ang tingin sa lalaking nakaupo ngayon sa gilid ko.

Matapos akong hilahin at alisin doon sa canteen ay dinala niya ako rito sa clinic. Ngayon ko lang din napansin na napalakas pala ang pagkakahampas ko sa mesa kanina.

Dahan-dahan akong tumango sa lalaki ngunit hindi naman nagsalita. Bigla ay tinamaan ako ng hiya sa lalaki!

Shit, I couldn't control my anger earlier. I should have listen to Yuna when she told me to stop.

Alam kong magiging usapin na naman ang ginawa kong iyon na taimtim kong pinapanalangin na hindi na makarating sa principal's office.

Hindi ko kayang mapunta roon! Kapag na-guidance ako, paniguradong makakarating ito kay Tita at ayaw kong mangyari ang bagay na iyon!

Nagbuga ako nang napakalalim na buntonghininga at inangat ang kamay kong nakabalot ng makapal na gasa.

Wala naman akong nararamdamang kirot doon, mabigat lang sa pakiramdam dahil sa dami nang inilagay nitong gasa sa kamay ko.

I looked at him, he looks really worried while staring somewhere.

I somehow feel guilty for acting like that earlier. I shouldn't have let myself drowned by my own anger, hindi na sana kailangan ng lalaki na pumunta rito.

At hindi na sana naming kailangan na mag-skip ng klase!

Umupo ako nang maayos dahil sumasakit na rin ang likuran ko kakasandal dito sa headboard ng kamang hinihigaan ko.

"I'm sorry," with the most sincere tone, I said.

Umangat ang tingin ng lalaki sa'kin. Malumanay lang ang paraan nito nang pagtingin sa'kin kaya alam kong hindi ito galit.

I already expected him to get mad at me because of what I did. Alam kong nasira ko lang lalo ang image niya. People might had thought na may desperado itong fan na gagawin ang lahat ma-protektahan lang ang idolo nito.

"Why are you saying sorry?"

Mahina itong tumawa bago hinuli ang kamay kong may gasa at dinala iyon sa labi niya bago iyon paulit-ulit na pinatakan ng halik.

Inalis nito saglit ang labi sa kamay ko para magsalita. "Stop saying sorry, Cain. You don't have to apologize."

I stared at him after saying that. Hinayaan ko lang siyang halik-halikan ang kamay ko. Mabuti nalang at walang tao rito sa clinic bukod sa aming dalawa. Wala rin ang nurse na nagbabantay dito.

"Hindi ka ba galit?"

Tanong ko makalipas ang ilang minuto. Ngumiti ito bago dahan-dahang ibinaba ng kamay ko.

"Bakit naman ako magagalit e pinagtanggol mo naman ako?"

Dahan-dahang gumuhit ang isang ngiti sa labi ko bago umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit umiinit ang pisnge ko. Dahil ba sa hiya dahil pinagtanggol ko ito nang gan'on o dahil sa nararamdamang kilig dahil imbes na magalit ay natuwa pa ito dahil ipinagtanggol ko raw siya.

"Why did you do that? I am not mad, Cain. I just wanted to know, am I that important to you?"

"Stop," I manage to say without gazing at him, tightly closing my eyes.

"Do you love me now? Ayaw mo akong pagsalitaan ng masama ng mga tao? Is that it?"

"Theo!" I shouted and this time I faced him with my annoyed face kasi totoo ang lahat ng sinabi niya.

"Oo at ayaw kong pagsalitaan ka nila ng gan'on!" Bahagyang humina ng boses ko. "E hindi mo naman kasi kasalanan na magaling ang kalaban, Theo..."

Saglit na natahimik ang lalaki sa harap ko kaya umangat ang tingin ko sa kanya. And to my surprise, he's fucking smiling! Is he still teasing me?

When Skies Went Dark (Starry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon