Chapter 3

671 60 0
                                    

Chapter 3

Walang nagtangkang magbukas nang usapan habang tahimik kaming kumakain pareho.

Ang tanging ingay lamang na maririnig ay ang pagnguya naming dalawa at ang banayad na pagdakot ng kanin sa plato.

Panay ang tingin ko sa direksyon niya na tahimik lang din na kumakain. Hindi siya masungit ngayon, ah? Nakakapanibago lang.

Ang totoo niyan ay hindi na sana talaga ako makakakain ngayong gabi kung hindi niya ako ginising. Oo, ginising ako ni Theo. At isang bagay iyon na talagang dapat kong ikagulat.


Masungit ang mukha niya nang gisingin ako. At ako naman na kakagising lang, pilit na pinoproseso ang mga nangyayari habang matamang nakatingin sa kaniya na nakatayo sa harapan ko.

"A-ano... bakit?" Naguguluhang tanong ko rito.

"Magpapakamatay ka siguro, 'no?"

Kumunot ako noo ko roon. "Ha? Teka, Theo bakit ka nandito? At saka, kumain ka na ba?"

He bit the insides of his cheeks, siguro nagtitimpi sa akin sa hindi ko malamang dahilan.

"Iyon na nga. I haven't eaten yet," masungit ang boses na sabi nito.

"Malamig na rin ang pagkain pagbaba ko. I-reheat mo 'yon at..." He slid his hands on his pocket. "Hindi ka pa kumakain, 'diba? Sabayan mo na rin akong kumain."

And just like that, he left. Leaving me with my mouth open.


Napailing ako nang maalala na naman iyon. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil sa inaya ako nitong sabayan siyang kumain, o magtaka dahil sa pagaanyaya nito?

Ewan, nakakagulo ang lalaking ito. Siguro sulitin ko nalang ang moment na ito dahil baka magbago na naman ang ugali nito bukas.

Nang tingnan ko ito ay nakatingin ito sa akin na nagtataka. Nakasabit sa ere ang kutsarang hawak na para bang kakain na sana ito ngunit huminto para punain ako.

"You are making faces, you don't like your own dish?"

Umiling ako ng ilang beses saka maliit na ngumiti.

"Am I?" Napahawak ako sa mukha ko dahil sa sinabi niya.

He clicked his tounge and looked away. "'Wag ka na ngang magluto sa susunod. Bumili ka nalang ng instant noodles o mga canned goods na mabilis lutuin."

My brows furrowed, looking at him sliding his plate towards me.

Ang mukha niya ang nakangiwi kaya mas lalo akong nagtaka.

Ngayon pa siya napangitan sa lasa ng luto ko? Sa ilang buwan kong pagluluto para sa kaniya ngayon lang talaga siya nag-reklamo.

"You added too much salt. Ang pait!"

Mabilis ko namang tinikman ulit ang luto ko at oo nga, medyo maalat ang lasa.

When Skies Went Dark (Starry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon