Chapter 17

676 26 5
                                    

"Shut up, Cain. "

Humarap ito sa ibaba bago inilagay ang likod ng kamay niya sa bibig. He's literally suppressing his smiles to come out but I can still see it! May lamang pagkain ang bibig niya kaya nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya nang lunukin iyon.

Idinikit ko ang balikat ko sa balikat niya habang nakatukod ang mga siko namin sa railings. Nagsimula ulit akong kumain at inabala ang sarili sa pamamasid sa mga nangyayari sa baba.

"Oh, wait."

Tiningnan ko ang lalaki nang yumuko ito para buksan ang bag niyang nakalapag sa sahig. May kinuha siya roong libro bago ulit tumayo at tumabi sa'kin.

Pinasadahan ko iyon ng tingin. It was the book he's reading yesterday. He's really trying to finish reading it?

"'Yan 'yong binabasa mo kahapon?"

Tumango siya. "I like the plot of this book." Ngumiti siya bago paulit-ulit na nililipat ang pages.

"What is it about?"

"I don't want to spoil you about it," inilahad nito sa harap ko ang libro kaya kinuha ko kaagad 'yon.

I glanced at the book cover. Dalawang lalaking naghahalikan. Pinasadahan ko rin ng tingin ang author nito bago inilipat ang tingin sa lalaki.

"Are you aware that this is a boys' love story?"

He nodded, chewing the food he's eating. "I had read this kind of genre before at nagustuhan ko naman kaya no'ng nakita ko 'yan kahapon, kinuha ko agad."

Tumango ako at tiningnan ulit ang libro. "I thought you don't read books like this before...." bulong ko na alam kung hindi nito narinig dahil hindi naman siya nagsalita.

Matapos kumain ay nagligpit na kami dahil malapit nang matapos ang break time. Tinulungan ko lang siyang iligpit ang mga pinagkainan namin bago kami bumaba.

Nang makarating sa room ay umupo ako kaagad sa upuan ko. Wala pa sina Dale at Yuna dahil nagpaalam naman ang dalawa sa'king kakain daw sila sa canteen.

Minabuti ko nalang na abalahin ang sariling magbasa ng mga past notes ko bago inihiga nag ulo ko sa desk.

Naglalaro na naman ulit sa utak ko mag pag-uusap namin ni Papa kagabi kaya napailing ako at napapikit nang mariin.

The two entered our room before the bell rang, an indication that the next class is about to start. Inangat ko ang ulo at tiningnan ang dalawang naglalakad papunta sa direksyon ko.

"Sa canteen kayo?"

Tumango si Yuna."Oo. E ikaw saan kayo ni Theo kanina?" May halong pang-aasar ang boses nito kaya tinawanan ko ang babae.

Umiwas ako ng tingin. "Sa rooftop kami kumain."

Gusto kong sampalin ang sarili dahil humina ang boses ko. Pero nagsasabi naman ako ng totoo! It's not like I am admitting a crime kaya ako namumula ngayon.

"Grabe, ibang level nang kalandian na 'yan. Dating sa rooftop?" She looked at Dale. "Ikaw 'wag kang gumaya diyan na naglalandian sa loob ng school naintindihan mo?"

"Yes sir!" Sigaw ni Dale na inilalagay pa ang tatlong daliri sa gilid ng noo niya na parang sundalo.

"Baliw! It's not dating, okay? Kumain lang naman kami. Masyado kang issue alam mo ba 'yon?"

Umirap siya bago umupo. "Kumain sa rooftop nang kayo lang dalawa, isn't that dating?"

I shrugged my shoulder. "Well, if you want to put it that way. He's courting me anyway."

When Skies Went Dark (Starry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon