Chapter 13

578 30 13
                                    

"What? No! W-why would I be jealous?" I shouted at the top of my lungs.

Walang tao rito, pero sa labas paniguradong marami. Pero alam kong hindi maririnig ang boses ko sa labas dahil medyo nasa dulong bahagi naman kami ng locker room.

"Why are you stuttering?"

I hate how a smile's slowly shaping on his lips. Parang pinapalabas niyang hindi ako nagsasabi ng totoo!

Well, yes.

Napalunok ako at umiwas ng tingin sa lalaki.

"Ano..." Lumikot ang mga mata ko. "Mainit kasi. Oo! 'yon! Mainit dito."

He smiled, trying to tease me more when I am already embarrassed in front of him.

First, he saw me listening to his conversation with Meagan. Tapos ngayon, he's accusing me for being jealous!

"Cain," tawag nito.

I immediately gazed on his direction. Bumaba ng tingin ko sa leeg niya nang mapansin ang paglunok nito. I could even see his sweats running down to his chest.

"Bakit?"

"Sa park, mamayang 3 p.m." mabagal ang bawat bigkas niya nun na parang nahihiya siya sa ginagawa. "If you're not busy."

Ilang minuto pa akong napatitig sa lalaki bago dahan-dahang tumango. Wala rin naman akong gagawin pa sa room since Sunday nga ngayon.

"O-okay..."

Sabay kaming lumabas pagkatapos nun. Ang sabi niya ay pupunta raw siya sa room nila para magbihis at gusto niyang sumama ako sa kanya.

Tahimik lang ako sa gilid niya dahil hindi ko alam kung paano magbukas ng usapan.

Nang makarating sa room nila ay tahimik ko lang siyang pinagmasdan habang inaayos nito ang mga gamit niya.

I sat on a chair and stared at him doing his stuff.

May kinuha siyang isang t-shirt mula sa bag niya at saka iyon nilapag sa lamesa. Tumingin pa ito sa direksyon ko bago tumalikod at hinubad ang suot na jersey.

Sinuot nito kaagad ang t-shirt bago tinupi ang suot niyang jersey kanina at inilagay iyon sa paper bag.

Lumabas kami ng room at kagaya kanina ay nakasunod lang ako sa kanya na parang aso. Hindi ko alam kung bakit bigla na naman itong tumahimik na parang wala ako sa tabi niya.

I was just following him when he turned around and stopped walking. Huminto rin tuloy ako sa paglalakad.

Tiningala ko siya at tiningnan ang buong mukha niya. Maaliwas na iyon ngayon, hindi kagaya kanina ay wala na ang pawis sa leeg at mukha niya.

Hindi ko ito nakitang naglagay ng kung ano sa mukha niya kanina but he looks really fresh.

Bumukas ang bibig niya pero hindi naman nagsasalita. Napapakamot pa ito sa batok kaya tumayo ako ng tuwid at tiningnan siya sa mga mata.

"What is it?"

Tumikhim ito bago iniharap ang buong katawan sa'kin. "If you're not comfortable being with me later, puwede ka naman na tumanggi."

"Are you telling me to back out about your plans later?"

Gulat itong napatingin sa'kin. "H-ha? No! It's just that... Baka lang hindi ka komportable sa'kin."

Umiling ako at kahit gusto kong tawanan ang sitwasyon niya ngayon ay pinigilan ko ang sarili ko. Para kasi itong hindi mapakali na ewan.

"Kung binabawi mo ang sinabi mo kanina, madali naman akong kausap. Pero, para sabihin ko sa'yo Theodore Havoc Cortes, I am not uncomfortable being with you."

When Skies Went Dark (Starry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon