Chapter 16

498 26 10
                                    

We celebrated their Mother's death anniversary that night. Nag-uusap lang kami sa mga bagay na nangyayari sa buhay namin.

We are sitting around a small coffee table. Magkatabi kaming dalawa ni Theo habang nasa harapan naman namin ang magkapatid.

Tahimik lang si Dale sa tabi ng kapatid niya at nagsasalita lang kapag tinatanong at kinakausap namin. Nagsasalita naman ito minsan pero mahihimigan mo talagang walang kabuhay-buhay ang boses niya.

Masyado akong naninibago kapag ganito si Dale. Nasanay akong kwela ito kapag kasama ako kaya kapag ganito siya ay masyadong nakakapanibago.

Kung kanina ay naiinis ako rito dahil sa pang-iinis niya, parang gusto ko nalang na asarin ako nito magdamag ngayong gabi.

Meagan told me earlier that he didn't even attend the funeral when their mother died o kahit bumisita man lang sa libingan ng mama nila. Hindi rin daw ito sumasali kapag nagce-celebrate sila kaya naninibago si Meagan na nasa tabi nito iyon ngayon.

"He's the closest to his mother," Theo whispered beside me.

I leaned closer to him to whisper back. "Really?"

He chuckled. "You looked worried to him. I'm being jealous here."

Hinampas ko ng mahina ang balikat niya dahil hindi ganitong oras dapat magbiro! Dapat pa nga naming damayan ang dalawa dahil hanggang ngayon, alam kong hindi pa rin sila nakakalimot.

And it saddens me dahil mahirap ibaon sa limot ang isang bagay lalo na at mayroon itong malaking parte sa puso mo.

Hindi mo ito mabilis na mabibitawan at makakalimutan. Even when you finally admitted that you already forget them and accepts everything, you still live with them everyday. You just have to think that you don't in order to live your life normally and peacefully again.

Pero minsan, mahirap ding hagilapin ang kapayapaang iyon dahil ang taong pilit mong binibitawan at kinakalimutan, ay ang taong may hawak ng kapayaan mo.

My mother used to be my savior when I was a kid. Hindi niya ako hinahayaang saktan ng ibang mga batang kalaro ko noon. Minsan nga ay kinukulong niya na lang ako sa bahay kapag gan'ong may kaaway ako sa labas.

Siya ang isa sa mga inaasahan kong taong magliligtas sa'kin kapag pakiramdam ko malungkot ako at nasasaktan.

She's a mother and a hero to me so growing up, I promised to myself that I wanted someone to take care of me just like how she took care of me before.

But when those days happened to me, those nightmares that I couldn't bury in oblivion and the moment I saw her standing right next to dad, doing nothing other than staring at me with wrath in her eyes, alam ko na sa mga pagkakataong iyon na wala na akong karamay sa lahat.

She doesn't want me to get hurt, but he let my father beat me up until I could no longer stand up.

She doesn't want me to have bruises all over my body, but she let him that night, causing painfull cuts and wounds that I could still feel even today.

"You okay?"

Napaangat ang tingin ko sa tanong na iyon ni Theo. Sumalubong sa'kin ang nag-aalala niyang mga mata.

Matagal akong napatitig sa mga matang iyon.

After experiencing those painful pasts, I was already on the verge of giving up. Akala ko wala na akong kakampi. I thought no one was going to save me from being drowned in the wave of misery.

But this guy came, like a torch, guiding me towards my path. He's like a star, lighting up my direction so that I can walk away from that drowning sorrow.

When Skies Went Dark (Starry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon