Chapter 9

580 41 11
                                    

Napatanga ako sa harapan niya nang sabihin niya iyon. Tuloy ay hindi ko na napansing tumakbo na pala si Caindel palabas.

I couldn't even mold a single word to respond him! His words are confusing me these days.

Iba ang naiisip ko sa sinabi niya. Tell me he's referring to someone else.

Masyado naman kasing general ang salitang "Our". I shouldn't be thinking na ako ang tinutukoy niya kasi puwede namang si Tita o si Meagan.

I gulped, trying to remove the nervousness inside me.

"O-of course! Kung aso mo naman 'yon..." I trailed off.

Gusto kong sampalin ang sarili dahil masyadong halata ang utal kong 'yon.

He nodded, smiling. Kanina pa siyang ngiti nang ngiti, pero maya-maya naman ay seseryoso ulit.

"Really?"

While saying that, he is slowly making his way towards me.

Ayan na naman siya! He's doing it again! Tapos ano? Hahalikan na naman ako ulit nito para dagdagan ang hiyang nararamdaman ko noong nakaraang gabi?

He stopped, two steps away from me. His broad shoulder were covering the light from the lamp chimney, preventing it from hitting me.

"Then, can I bought one... Now?" He whispered, it almost couldn't reach my ears.

Hindi ko alam kung sinasadya ba nitong palambingin ang boses niya pero 'yon ang naririnig ko!

"Theo... Hindi mo na kailangang sabihin sa'kin 'yan. Buy one if you want..." I said softly.

He took the remaining two step to get closer to me. Ngayon na nakatayo na ito sa mismong harapan ko ay tumingala ako.

He's literally a giant looking down on a scared rat.

"Cain! Pinakain mo na ba si—" natigil ang sasabihin sana ni Dale nang mapatingin sa akin pagkatapos ay kay Theo. "...Caindel?"

Napaatras tuloy akong bigla mula kay Theo. Siya naman ay naglakad patungo sa pitcher at ipinagpatuloy ang naudlot na pag-inom ng tubig.

Karga karga ni Dale ang aso nang pumasok ito at tumabi sa'kin. Lumapit ito sa akin na parang may ibubulong.

"What just happened?"

Hindi ko alam kung bulong ba 'yon pero sobrang lakas nang pagkakasabi niya nun dahilan para bahagyang mapabaling ang lalaki sa direksyon namin.

I saw Theo smirked and walked outside. Dala dala nito ang pitcher at nang makalabas ay hinarap ko ang lalaki at sinamaan ng tingin.

"Pasulpot-sulpot ka rin e, 'no?"

"E, bakit? Hindi ko naman alam." Napakamot ito sa batok bago ibinaba ang aso nang malagyan na nito ng tubig ang kaninang nilagyan ko ng dog food. Wala na itong laman.

"You two weren't fighting, right?" He asked and faced me.

Umiling ako. "Why would we be?"

He shrugged his shoulder. "Nothing. I just don't want kuya Theo to get mad."

Sumandal ako sa sink at pinagkrus ang braso. Takot ba ito kay Theo? Pansin kong iwas siya sa lalaki.

"Are you scared of him?"

He stood up and shooked his head. "Maybe?" He laughed a bit.

"Maybe I was. Not for myself. But for my sister."

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

He let out a soft sigh. "I don't think I am allowed to tell you."

Alam ko na ang bagay na 'yun. At kahit ayaw niyang sabihin ay alam kong nasasaktan siya para sa ate niya.

When Skies Went Dark (Starry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon