Chapter 14

559 24 9
                                    

Nanatili lamang akong nakatitig sa mga mata ni Theo. Pilit na pinoproseso kung tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya.

I gulped when I realized he's still holding my nape, keeping our closeness to each other.

Masyadong malapit ang lalaki sa'kin kaya panay ang iwas ko sa mukha ko sa kanya.

Ngumiti ang lalaki, bahagya pang hinahaplos ang buhok ko. Inayos pa nito ang ibang hibla ng medyo may kahabaan ko ng buhok at inilagay 'yon sa likod ng tainga ko.

"It's okay," he smiled, still caressing my hair. "Kung naguguluhan ka pa, hindi mo naman kailangan sagutin ako ngayon."

Napayuko ako ngunit hinawakan nito ang baba ko at dahan-dahang iniharap iyon sa kanya.

Ang kaninang kamay niya sa leeg ko ay unti-unting bumaba para abutin ang mga kamay ko. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at maingat 'yong ikinulong sa mga kamay niya.

"Just let me do it, Cain, okay?"

Sa kabila nang pagwawala ng sistema ko dahil sa sinabi niya ay nagawa ko pa rin na tingnan siya ng tuwid sa mga mata niya.

"But, why do you want to court me? We're both..." I trailed off, trying to mold a word to tell him. Lumunok ako ng ilang beses. "Naguguluhan-"

He put his finger on my lips, stopping me from saying anything.

"Shh. Alam kong nabigla kita. And you being a man doesn't bother me at all, Cain."

Masyadong payapang pakinggan ang boses niya.

"Kaya gusto kong hayaan kang pag-isipan ang lahat nang 'to, okay?"

I stared at his eyes. I could see the sincerity as I looked at it deeply. Kahit sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ay dahan-dahan pa rin akong tumango sa kanya.

Natapos ang gabing iyon na hindi mapanatag ang loob ko. Hindi ako makatulog at kahit ilang ulit kong ipikit ang mga mata ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Napasandal ako sa headboard ng kama at dahan-dahang dinala ang isang daliri sa labi ko.

Lihim akong napamura dahil ramdam ko pa rin ang lambot ng labi ni Theo roon.

I just couldn't believe it! I mean, the lips that I had been staring when he's peacefully resting just touched mine!

Tuloy ay napatalukbong ako ng kumot at paulit-ulit na nagpagulong-gulong.

Dahil hindi nga ako makatulog ay binuksan ko nalang ang messenger ko at tinawanan si Yuna. Hindi puwedeng hindi ko ito masabi sa kanya!

I need her advice right now. Gusto kong malaman kung ano ba ang dapat kong maramdaman kapag ganitong hinalikan ako ng isang lalaking may malaking galit sa'kin noon.

"Loko ka! Anong sinagot mo nung sinabi niyang gusto ka niya?"

I pouted. "Wala naman siyang sinabi... Sinabi niya lang na gusto niya akong ligawan."

Bahagya pang humina ang boses ko nang banggitin ang salitang 'ligawan'.

I heard her sigh on the other line. "Hindi ka sinabihan na gusto ka pero niligawan ka? Parehas pa rin naman 'yon, Cain!"

"I mean, oo 'yon lang ang sinabi niya. But, aren't he supposed to say na gusto niya ako bago ligawan?"

I paused for a moment and slightly moved the blanket to cover my chest.

"Kasi, alam mo 'yon para alam ko kung papayagan ko siyang manligaw o hindi."

She chuckled. "Iba ka rin e, 'no? Kahit naman hindi nu'n sabihing gusto ka niya tapos niligawan ka nalang bigla, papayag ka pa rin naman."

When Skies Went Dark (Starry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon