Chapter 10

551 35 5
                                    

Theo's last words before he left our room literally stuck in my head.

Kahit nang matapos ang klase ay 'yon lang ang nasa isipan ko. Kanina ko pa naririnig ang pag-aanyaya ni Yuna sa basketball court dahil magbo-boy hunting daw siya.

Maingay pa rin ang court na maririnig lang dito sa room namin kaya alam kong hindi pa rin sila tapos sa training.

Buong araw silang nag-training kaya paniguradong pagod na pagod na si Theo. Naabala ko pa ito kanina kaya tuloy na tuloy ang pag-aaya ko sa kanya mamaya.

I hope he would agree. Pero ayos lang din naman kung ayaw niya.

"I'm in! Isama niyo ako!" Dale shouted.

"Suits yourself, basta kami ni Cain maghahanap ng pogi."

Natawa ako roon sa sinabi ni Yuna na inirapan pa ang lalaki.

"Baka gusto mong isumbong kita sa boyfriend mo?" Natatawa kong ani rito kaya inis itong napatingin sa'kin.

"I'm not in a relationship with Daxon!" She shouted.

Tinawanan ko nalang siya.

"Edi maghanap kayo ng pogi!" Dale stuck out his tounge and hugged my arm like a kid. Gano'n din ang ginawa ni Yuna kaya natawa nalang ako sa dalawa.

"Para kayong mga bata."

Inalis ko ang pagkakapulupot nila sa braso ko. "Tara na nga! Akala ko ba sa court tayo?" Sabi ko at nagsimulang maglakad.

Ngumisi ang dalawa at sumabay sa'kin sa paglalakad.

Tapos na ang class hours pero marami pa rin ang mga estudyante sa paligid. Malamang ay nanonood din sila ng training.

"Kailan ba ang liga?" Tanong ko kay Yuna.

"Sa sunday na. Walang pasok para marami raw manood."

I nodded and continued walking. Oo nga naman, wala masyadong manonood panigurado kapag may pasok. Kung mayro'n man ay mga outsiders lang from other schools.

Narating namin ang court at tama nga ako at maraming nanonood. Karamihan ay mga babae na halos magsilabasan ang litid sa lakas ng mga sigaw nila.

Rinig na rinig ko ang matitinis na tunog na nililikha ng mga sapatos ng mga players sa sahig.

"Sa unahan tayo umupo para makanood tayo ng maayos!"

We nodded at Yuna and followed her. Umupo nga kami sa pinakaunahan kung saan kitang-kita namin ang naglalaro sa court.

Dumapo naman kaagad ang mata ko kay Theo. His sweats were all over his face and arms.

Mabilis ang paghinga niya habang pilit na inaagaw ag bola sa kalaban hanggang sa makuha nito 'yon at tumakbo sa kabilang ring.

"Pasa!"

Narinig kong sigaw nung kaibigan niyang kasama ni Theo sa bar noon.

Ipinasa naman kaagad ito ni Theo nang mapalibutan ito ng mga players sa kabilang panig.

Nang mai-shoot ang bola ay nagsigawan ang lahat.

Nasa kabilang panig na ngayon ang bola pero dahil sobrang bilis ng galaw ni Theo ay naagaw niya kaagad 'yon at nai-shoot sa ring.

Napatayo ako roon at pumalakpak.

"Go Theo!" I shouted.

Hindi ko alam kung bakit 'yun lumabas sa bibig ko pero nang mapatingin si Theo sa direksyon ko ay kaagad akong napaupo.

Shit! Why did I do that?

"Wow, ang galing nung Theo."

I smiled at Yuna's comment. He's indeed a good player.

When Skies Went Dark (Starry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon