Chapter 11

562 36 11
                                    

Taimtim lang akong nakikinig kay Ma'am Lurika habang nagsasalita ito sa harapan.

Rinig na rinig ko ang bulungan ni Yuna at Dale sa magkabilang gilid ko kaya bahagya kong nasasamaan ng tingin ang dalawa.

They were talking about the league on Sunday. Yuna's fighting for UC's win pero si Dale ay pinipilit na CIT daw ang mananalo ngayon.

"Last month pa 'yan sila nagt-training for this year's league. They won din last year 'diba?" Dale said.

Yuna nodded. "But I'm sure UC will grab the victory this time. Nagka-sprain kasi 'yung point guard nila last year so they lose."

I can't focus at all! Tahimik ko tuloy na tiniklop ang notebook mula sa pagno-notes at tiningnan silang dalawa.

"Ang iingay ninyo." Madiin pero mahina kong sabi.

Napaayos naman ng upo si Dale at nagkunwaring nagsusulat.

"Si Yuna ba? Oo, ang ingay niyan pagalitan mo nga."

"Anong ako!" Yuna exclaimed.

"What's the matter over there Ms. Genon?"

Sabay na napayuko ang dalawa kaya palihim kong tinakpan ang bibig para pigilan ang tawa.

"No Ma'am."

Tumango si Ma'am bago bumalik sa pagsasalita.

"So class, where do you think extra glucose is being stored?" Ma'am Lurika asked.

Nakita ko naman kaagad ang pagyuko ng mga kaklase ko kaya nagpakawala ng mahinang tawa si ma'am doon.

She sighed while wearing a smile. "So it means walang nakikinig sa inyo rito kanina pa?"

Tiningnan nito ang suot na relo."I lectured for 30 minutes, and we still have 30 minutes left before dismissal." Ngumiti ito sa aming lahat. "But if you guys answer few of my questions, I'll be dismissing you early."

My classmate cheered at that. Pero wala pa ring nagtataas ng kamay.

I felt Yuna bumping my arm but I ignored her. Wala akong planong sumagot! I didn't even hear half of Ma'am Lurika's lectures dahil sa ingay ng dalawa kanina.

"Dali na, Cain!" Mariin nitong sigaw sa gilid ko.

"Ikaw ang sumagot!" Sagot ko.

Alam kong marami ng nakatingin sa akin na mga kaklase ko but I refused to look back at them.

May naririnig akong mga bumubulong ng pangalan ko lalo na sina Amy sa gilid ko.

Ayos lang naman sa'king ubusin ni ma'am ang oras niya. Hindi rin naman ako bababa mamayang break time.

"Bilis na, teh! Naubos na ang oras, oh."

Mayroong ding mga tumatawag sa president naming si Amy pero nangingibabaw ang patawag nila sa pangalan ko!

Kaya nang mapatingin si Ma'am sa'kin ay napaiwas ako ng tingin. Tahimik tuloy akong napapikit at nanalangin na sana huwag niya akong tawagin.

Pero sadyang hindi ata present si Lord sa tabi ko ngayon dahil narinig ko ang apilyedo mula kay ma'am.

Lihim akong napamura. I sighed before standing up. Narinig ko pa ang pang-aasar ng dalawang katabi ko pero pinakyuhan ko lang sila sa kamay kong nasa likuran ko bago umayos ng tayo.

"It can be found in the liver or in the muscle, Ma'am." I said.

"And? How does it work?"

Tiningnan ko si Ma'am sa mga mata. "Since glucose from carbohydrates is a stored energy from the foods we eat, puwedeng kumuha ang katawan natin ng enerhiya mula doon if we are lacking energy."

When Skies Went Dark (Starry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon