Chapter 4

608 58 2
                                    

Bago umuwi, dumaan muna ako sa isang grocery store at namili ng mga kakailanganin kong ingredients para sa hapunan mamayang gabi.

Butter, garlic, tomatoe sauce, ketchup at brown sugar lang ang binili ko dahil ito lang naman ang wala sa bahay.

Pagkatapos ay naglakad na ako papuntang fish section. Balak kong magluto ng sweet and sour fish fillet ngayon.

Matapos mailagay lahat sa paperbag at mabayaran ay umuwi na rin ako kaagad.

Wala pa si Theo nang makarating ako kaya minabuti ko nang simulan ang pagluluto.

Bahagya pa akong napapasayaw kapag hinahalo ang sauce at binabaliktad ang pini-pritong isda.

Nagkanda paso pa ang mga kamay ko dahil sa lakas ng talsik ng mantikilya.

Masaya at tahimik kapag walang Theo sa paligid kaya mas gusto kong magluto ng ganito ka aga na hindi pa dumarating ang lalaki.

Ngunit nang lumingon ako para sana ihalo ang isda doon sa sauce ay namataan ko kaagad ang lalaking nakatayo sa pintuan ng kusina.

Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa akin pero ang tingin ko ay lumipat sa orasan na nakasabit sa malapit na dingding at napansing 4:42 pa lang ng hapon.

"Nandiyan ka na pala, nagugutom ka na ba? Sandali at patapos na 'to."

Mabilis kong kinuha ulit ang panghalo at kumuha ng maliit na sabaw mula sa kawali at tinikman kung luto na ba ito.

Nailayo ko pa ito nang bahagya dahil mainit pa ito ngunit nang malasahan kung paano nagpantay ang asim at tamis ng sabaw ay napangiti ako.

Hindi ko napansing nasa gilid ko na pala si Theo kaya nang humarap ako ay mabilis akong napaatras para lumayo sa kaniya.

Seryoso kasi ang mukha nito at kahit hindi ko naman ito tinitingnan sa mata ay naiilang pa rin ako sa titig niya.

Walang boses ng namutawi sa bibig nito kahit pa man nang matapos akong maghain ng pagkain para sa aming dalawa.

Sa kalagitnaan nang marahan kong pagnguya ay napaangat ang tingin ko sa lalaki nang tumikhim ito.

"Sakto lang ang luto mo ngayon. Hindi pangit ang lasa, pero hindi rin naman masyadong masarap." Usal nito sa pangitan ng kaniyang pagnguya.

Lihim akong napairap doon at bumalik nalang sa pagkain. Bakit hindi niya nalang sabihin na masarap naman talaga?

Mabilis akong natapos kumain kaya umakyat na rin ako sa kuwarto at iniwan ang lalaki roon.

Kailangan ko pang aralin 'yong mga discussions na hindi ko naintindihan kanina.

Nag-take down notes lang ako ng mga importanteng details at nag-highlight ng mga key terms bago natulog dahil hindi ko naman na 'yon kailangan i-master dahil wala namang exam ang subject na 'yon bukas.

Maaga akong gumising kinaumagahan. Matapos maligo ay mabilisan kong niluto ang pagkain ngayong umaga.

Nagbalot ako ng baon para sa aming dalawa ni Theo at nagbukod na rin ako ng umagahan niya.

Hindi pa nagigising si Theo, hindi ko alam kung may pasok ba siya ngayon o wala pero wala akong ingay na maririnig sa kuwarto niya kaya alam kong natutulog pa rin siya.

When Skies Went Dark (Starry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon