Chapter 6

597 56 2
                                    

Napaayos ako ng upo nang makarinig ng yabag pababa mula sa hagdanan. Bumaba mula roon si Meagan dala dala ang isang maliit na palanggana.

Nang magawi ang tingin nito sa'kin ay saglit itong ngumiti bago pumasok ng banyo.

I heard the sound of the water inside the bathroom. She then come out and walked towards me slowly.

"Hindi na masyadong mainit si Theo," she looked at me with a small smile in her lips.

Dahan-dahan kong inilapag ang dala kong baso at hinarap siya. Ngayon ko lang mas na-appreciate ang ganda ni Meagan.

Bumagay sa kaniya ang pointy pero may kaliitan niyang ilong. Maliit kasi ang mukha niya. Mukha siyang si IU, 'yong korean singer. Malambot din tingnan ang buhok niya.

I gulped, "Tapos mo na ba siyang painumin ng gamot?"

Umiling siya. "Hindi pa siya kumakain, hindi pa rin siya nagigising."

Tumango ako. Mahirap gisingin si Theo kapag ganitong nilalagnat siya. Magkukusa lang itong tatayo at kakain mag-isa kapag pakiramdam niya magaling na siya.

He used to live on his own. Busy ang mga magulang niya kaya kapag may sakit siya ay siya lang ang gumagamot at umaalaga sa sarili.

"May sopas doon sa ref, paborito iyon ni Theo... i-reheat mo nalang."

Tumango ito saka naglakad papuntang kusina. Hindi naman ito nagtagal at dala dala na ngayon ang isang mangkok na kita ko pa ang usok mula rito.

Lumapit ito sa'kin. "Ano... puwede bang patulong?" Nginuso niya ang tubig na nakasabit sa siko niya na ngayon ko lang napansin.

Kaagad akong tumayo at kinuha ang water bottle mula sa kanya.

Binagtas namin ang daan papunta sa kuwarto ni Theo. Tulog pa rin siya nang makarating kami.

Umupo si Meagan sa gilid na bahagi ng kama ni Theo. Ako naman ay muling kinapa ang noo ng lalaki.

Hindi na siya gan'ong mainit kumpara kanina.

I sighed and softly tapped his cheeks. "Theo." I called him.

Ilang ulit ko pang ginawa ang pagtapik sa pisnge niya nang dumilat ang mata niyang namumula pa rin hanggang ngayon.

Tumitig ito sa mga mata ko na hindi ko na nagawa pang iwasan.

"Nilalagnat ka, Theo. Masakit pa ba ang pakiramdam mo? Nagugutom ka na ba?" Sunod-sunod kong tanong.

Dahan-dahan itong tumayo kaya hinawakan ko ang braso nito para tulungan siyang makaupo dahil nanghihina pa rin siya.

Tiningnan ko si Meagan at mukhang nakuha naman nito ang sinasabi ng mata ko kaya lumapit ito kay Theo.

Nakapikit ang mga mata ng lalaki. Nakasandal na ito sa headboard ng kama at marahan ang ginagawang paghinga.

"Theo... Kumain ka muna," Meagan said, softly.

Kinakabahan ang tono ng boses niya pero nagawa pa rin nitong iangat ang kamay na may hawak na kutsara at itapat ito sa bibig ng lalaki.

Dumilat ang mga mata ni Theo. At dahil nakaharap ang mukha niya sa direksyon ko ay nagtama ang mga mata naming dalawa.

Napaiwas tuloy ako ng tingin dahil iba ang tinging binibigay niya sa'kin ngayon.

His eyes were telling me to take care of him.

Kahit si Meagan ang kaharap ng lalaki ay nanatili ang mga mata nito sa'kin. Pero imbes na tingnan din ito pabalik ay hindi ko na nalabanan pa ang titig niya.

When Skies Went Dark (Starry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon