Chapter 8

594 41 4
                                    

"Why do I feel like everyone's admiring me?"

Napatingin ako kay Dale dahil sa sinabi niyang 'yon. Tiningnan ko siya sa paraang masasabi niyang nagsisinungaling ang bunganga niya.

He looked at me, feeling confused. "What? Everyone's asking for my name, e. What does that supposed to mean?" Sabi nito ulit.

It's his first day at pansin ko ngang mabilis siyang nakahanap ng mga kaibigan.

"Ano ba dapat ginagawa kapag may bago kang kaklase?" Tanong ko rito na naging dahilan kung bakit kumunot uli ang noo niya.

"Greet them, I guess?"

"Iyon na nga! Masyado kang mahangin alam mo ba 'yon?" Irita kong bulyaw dahil kanina pa akong hindi makapag-focus sa binabasa ko dahil sobrang daldal nito sa tabi ko

"Okay, chill." He said, laughing.

Ang totoo niyan ay hindi ko naman talaga naintindihan itong binabasa ko kanina pa.

Kanina pa ako binabagabag ng halik ni Theo kagabi!

I mean, bakit niya naman gagawin 'yon? Well, he's drunk obviously. But his eyes were wide open! Alam kong alam niya pa rin ang ginagawa niya.

But again, he's drunk. Lasing siya no'n kaya paniguradong hindi niya naaalala ang ginawa nito sa'kin kagabi.

Hindi ko na rin ito nakita kaninang umaga. Well, sinadya kong hindi magpakita talaga sa kanya.

Kahit wala itong alam sa nangyari kagabi, nahihiya pa rin akong harapin siya.

Hindi dahil sa hinalikan niya ako. O niyakap niya ako at naramdaman ko ang malaki niyang dibdib. O kahit no'ng marahan niyang inilagay ang mukha ko sa balikat niya. Wala sa mga 'yon!

Nahihiya ako dahil I literally let him do that! Considering that I am the one who's in control that night.

Puwede ko naman siyang itulak o sampalin. Pero hindi! Imbes ay hinayaan ko pa ito!

Naisubsob ko ang ulo sa desk dahil sa nararamdaman pa ring hiya. I really shouldn't let him know about what happened last night.

Dumating si Ma'am Lurika kaya mabilis na nagsibalikan ang mga kaklase ko sa mga upuan nila.

Mabilis din na umupo si Dale sa tabi ko dahil nakikipag-usap na naman pala ito doon sa mga babae naming kaklase.

Really, this guy.

Si Yuna rin na kanina pang nakahiga ay napabangon din nang marinig ang tunog ng takong ni Ma'am.

Tumuwid ng tayo si Ma'am at inilibot ang tingin sa aming lahat.

"I am not going to discuss today. Gusto ko lang i-announce na this week lang ako tumatanggap doon sa interviewing ninyo. Any late presentation will receive deductions."

Napatanga ako roon sa sinabi ni Ma'am Lurika. Gan'on din ang mga naging reaksyon ng mga kaklase kong alam kong hindi pa nakakapagsimula panigurado.

Natapos na si Yuna sa interview pati na rin sa pag-edit ng presentation. Kailangan niya na lang 'yon ipa-approve kay ma'am bago ipasa.

Naitanong na rin ito ni Dale sa'kin kaya kaagad ko siyang nasabihan. At ang mokong, nakahanap kaagad! Naunahan pa ako.

Napahinga ako ng malalim. How can I be able to start e wala pa nga akong nahahanap na puwedeng interview-hin?

I only have 3 days para maghanap nang mai-interview dahil sa friday na ako magi-edit.

Kainis! Bakit kasi hindi ako nakipagkaibigan nung first day pa lang!? Sana mayroon na akong mga iba pang kakilala.

When Skies Went Dark (Starry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon