Chapter 7

590 52 10
                                    

"Hindi pa ba umuuwi si Theo?"

Umiling kaming lahat dahil wala sa amin ang nakapansin sa kanya kanina pa.

We were having our dinner. Hindi na namin nahintay pa si Theo dahil baka mamaya pa ang dating no'n.

Kaninang umaga pa ito umalis. Madilim na pero hindi pa rin ito umuuwi.

Si Meagan naman ay kanina pang hindi mapakali sa upuan niya dahil kanina niya pa raw ito tinatawagan.

"I can call him again, Tita," salita ni Meagan sa tabi ko.

Tumango lang si Tita na nasa tabi ko. Si Dale naman ay nakatingin lang sa ate niya habang tahimik na kumakain.

Kanina sa parke ay nabilhan ko nga ito no'ng aso na paborito niyang hindi kaagad namin nabayaran dahil sa wala nga kaming dalang pera.

Mahaba ang pila kanina. Masama ang tingin nung ibang mga nasa linya sa lalaki dahil sila ay may nakahanda ng pera para sana doon sa aso.

Mabuti na lang at mabait 'yong may-ari nung shop kaya pinayagan kaming i-reserve 'yong aso at kukuha muna kami ng pera.

"He won't answer, Tita..." Meagan said after multiple rings.

"Baka na-traffic lang. We should just wait until he come back," Tita Martha answered.

Unang beses na matagal umuwi si Theo ngayon. Kahit naman kasi makulit ito minsan ay hindi naman nito ugaling umuwi ng ganitong masyado ng gabi.

We continued eating after that.

"Ang cute ni Caindel, 'no?"

Napaangat ang tingin ko kay Dale nang itanong nito iyon sa sarili pero alam kong sa akin nito tinatanong 'yon dahil magkaharap lang naman kami sa mesa.

Alam ko ring sinadya nitong pangalanan ang aso nang gan'on! He literally mixed our names.

"Ang pangit ng Caindel, palitan mo," reklamo ko pa na marahang inaabot ang aso nang maglakad ito papunta sa paa ko.

"Ang cute kaya! Bagay rin sa kanya kasi tayo naman bumili sa kanya. Alangan naman ipangalan natin siya sa kapitbahay,"

"I mean, you can just name him browny or... Anything na pang aso," I said.

"Pang aso naman 'yon..." He grumble.

Matapos kumain ay naghugas na ako ng mga pinggan.

Si Dale ay nanatili na lang din sa bahay. Ngayon ko lang napansin na may mga bagahe pala siyang dala kaya tinulungan ko pa itong buhatin ang mga 'yon papunta sa kuwarto niya.

"Thank you!" Maligalig nitong sabi. "Ang liit ng katawan mo pero ang lakas mong magbuhat."

Hawak hawak nito ang aso sa mga bisig niya. May kalakihan na ang aso pero magaan pa rin naman ito nang mabuhat ko kanina.

I grinned and flexed my arm kahit wala namang lumalabas na muscle roon.

"There are things you don't know about me that I am capable of doing," matapang kong turan.

Tumawa siya roon at nag-flex din ng muscle niyang nagsisimula ng lumaki.

Medyo singkit ang mga mata nito kagaya ng sa ate niya kaya medyo nawawala ang mga mata nito kapag tumatawa.

"Samahan mo akong mag-gym minsan."

Pabiro akong tumango. "Magpapalaki ako ng katawan nang matapon na kita diyan sa balkonahe." I pointed the balcony inside the room and laughed.

"Okay. Try me." Sagot nito sa matapang na boses.

Parang gusto kong sabayan ang kabaliwan niya ngayon.

When Skies Went Dark (Starry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon