Chapter 18

335 16 2
                                    

"Kailan pa 'to, 'Pa?"

Marahan pero punong-puno nang pagtitimpi ang boses ko. Sandali nitong minata si Mama na nakahiga sa kama bago tumingin sa'kin.

"Noong nakaraang buwan lang," marahang sabi niya.

Mahina ang boses ni Papa pero dahil malayo naman si Mama sa amin ay alam kong hindi niya pa rin kami maririnig.

Umiwas ako ng tingin bago huminga ng malalim. Gusto kong magdabog. Gusto kong lumayas na lang sa bahay na 'to at kalimutan ang lahat ng nalaman ko ngayon.

"Why didn't you tell me right away?"

Sa tanong kong iyon natahimik si Papa. Nakayuko lang ito ngayon sa harapan ko at nang lumipas ang ilang minutong katahimikan ay nagsalita ako.

"Malala na ba ang sitwasyon ni Mama?" Pilit kong pinipigilan ang sariling sumigaw dahil ayokong magising si Mama.

Mayroong parte sa loob ko na gustong isisi kay Papa ang lahat ng 'to dahil siya lang naman ang kasama ni Mama. I mean, he could've bring her to the hospital!

Tumango si Papa kaya lihim na naman ulit akong napabuga ng hangin.

"And you didn't even bring her to the hospital?"

He looked up at me with a sudden anger in his eyes. "At saan naman ako kukuha ng pera panggamot sa Mama mo?"

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.

"That..." Lihim kong tinapunan ng tingin ang mga bote ng alak at upos na sigarilyo na nakakalat lang sa sahig bago siya tiningnan.

"Natutustusan mo ang sarili mong bisyo pero ang pagalingin si Mama ay hindi?"

Mas lalong kumunot ang noo niya at galit akong tiningnan.

"Ano bang pakialam mo?!" Sigaw niya. "At anong gusto mong gawin ko? E wala nga tayong pera!"

Now he's mad. Sa tono ng boses niya, alam ko na agad kung ano talaga ang kailangan nito sa'kin kanina pa at kung bakit ako nito pinapunta rito.

Pinakalma ko ang sarili dahil ayokong maputol ang pasensya ko sa kanya. Ngayong may sakit si Mama, ayoko na munang palalain ang away namin ni Papa. Kailangan kami ni Mama ngayon.

"Ang ibig kong sabihin 'Pa, sana ay imbes na ibili mo ng mga alak at sigarilyo, sana naman ay ipinang-ipon mo nalang para kay Mama," kalmado ang boses ko habang tinitingnan ito sa seryosong ekspresyon.

"Aba't-"

Sisigawan na sana ako nito nang marinig namin ang pagdaing ni Mama.

Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ang isang kamay niya na nagpapahinga sa gilid niya.

"Ayos ka lang ba, 'Ma? May masakit ba sa'yo?"

Hindi ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya bagkus ay ngumiti lang ang nabibitak niya ng labi sa'kin at hinigpitan ang kapit sa kamay ko.

"Anak ko..."

Napapikit ako nang mariin sa nanghihina niyang boses bago hinaplos ang may katandaan niya na ring kamay.

Ramdam ko ang kulubot doon pero pinanatili ko ang mga mata sa kanya.

"May masakit ba, 'Ma?" Tanong ko ulit.

Pinigilan kong huwag mautal dahil sa pagpipigil ng luha. Ayokong ipakita kay Mama na nahihirapan din akong tingnan ang sitwasyon niya ngayon.

Dahan-dahang umiling si Mama. "N-nahihilo lang ng kaunti si Mama, anak. Pero..." Lumunok siya ng mariin dahil nahihirapan na rin siyang magsalita. Dinala niya ang kamay sa mukha ko kaya hinawakan ko rin iyon doon. "P-pero maayos na ako dahil nandito ka na."

When Skies Went Dark (Starry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon