Chapter 14

6.2K 50 9
                                    

Chapter 14- Redemption

 Thomas’ POV

Nandito ako ngayon sa McDo. Nagkayayaan kasi kami ng barkada ko after ng klase namin kasi ang hirap-hirap ng quiz namin, nakakagutom kaya heto kami ngayon. Tapos na rin akong umorder at pumwesto na ko sa mesa namin. Kung anu-ano lang ang pinag-usapan naming mag-barkada. Sobrang-lakas na rin ng mga boses namin at kung makatawa, ubod ng lakas pero di mo rin kami masisisi kung ba’t ganito kami, ang ingay na rin kasi ng buong McDo. Mukhang lahat ng studyante ditto na nagtipon-tipon. Nagtatawanan kami dahil sa corny na joke ni Jeron nang mapansin ko siya sa labas ng McDo. Huminga muna siya nang malalim bago tinulak ang glass door at tumingin-tingin sa paligid na tila may hinahanap.

Ano kayang ginagawa niya dito at mag-isa lang siya? Sa wakas, tumingin rin siya sa direksyon namin. Nag-smile pa siya! Nag-smile na rin ako sa kanya bilang ganti sabay kaway habang papalapit na siya sa kinaroroonan namin. Eto na siya….

Ay mali! Dumerecho pa siya ng lakad at lumapit do’n sa nag-iisang lalaking nakaupo malapit sa may counter. Nagmukha tuloy akong tanga.

Jeron: Uy pare, anong nginigniti mo dyan? Si Ara ba yung nginingitian mo? Kawawa ka naman, dineadma ka. Hahaha

Me: Tumahimik ka nga pare. (nakatingin pa rin ako sa kinaroroonan ni Ara. Naka-upo na siya ngayon kasama yung lalaking naka-green. Sino ba yun? Boyfriend niya? Wala yata akong nababalitaang may nangliligaw kay Ara)

Jeron: Nagseselos ka ba pare? Di mo yata kinikwento sa’kin na type mo pala ang bestfriend ni Mika. Di ka tuloy nakasabay sa pangliligaw ko kay Mika.

Me: Buti nga di ako sumabay kasi na-busted ka. Hahahaha

Jeron: Wag na nating pag-usapan ‘yun. Balang-araw, makakapag-move on rin ako. Ewan ko kailan o paano pero hangga’t di pa yun nangyayari, go lang ako nang go!

Barkada: Nababakla ka na ata Jeron…di ka naman pinapakinggan nitong si Mang Tomas kasi sa iba naka—focus ang attention niya.

Me: Guys, kilala niyo ba yung kasama ni Ara Galang?

Lumingon naman lahat sa kinaroroonan nina Ara.

Barkada: Sorry Thomas pero hindi eh Studyante ba talaga yun sa La Salle? Mukhang abnormal eh.

Jeron: Teka, his face rings a bell!

Thomas: Sino ba siya? Dali!

Jeron: Sandali, nag-lo-loading pa utak ko. Isip-isip…. Alam ko na!

Thomas: Sino nga pare?

Jeron: Siya si Kermit!

Make It Real (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fiction) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon