Chapter 25

5.9K 48 10
                                    

Chapter 25- Unclad Truth

 

Ara’s POV

 

Para akong napako sa kinatatayuan ko. Pilit kong iniisip kung paano napunta kay Thomas ang mga sulat. Siguro’y napulot niya lang ang mga ‘to. Pero pagtingin ko sa mga sulat, kumpleto ito mula sa pinaka-una hanggang pinaka-huling palitan namin ng sulat. Malalim pa rin ang mga iniisip ko kaya hindi ko napansin na bigla palang bumukas ang pinto.

Thomas: Ara, handa na ang soup. Pinapatawag ka na ni Yaya. Tara, kain na tayo.

Me: (pinakita ang mga sulat) Ano ang ibig sabihin ng mga ‘to?

Thomas: (namumutla) Ara, let me explain.

Me: Do it now. Gusto kong maintindihan kung paano napunta sa’yo ang mga sulat.

Thomas: I’m sorry Ara. Ako talaga si Stat.Genius.

Me: Bakit ngayon mo lang sinabi sa’kin ‘to?

Thomas: Sasabihin ko na sana sa’yo ang lahat. Natatandaan mo ba nung sinabi ko sa’yong may sekreto akong dapat mong malaman? Dapat aaminin ko na lahat dun pero inunahan mo ako. Sabi mo, ayaw mo nang pag-usapan ang anumang bagay na may kinalaman kay Stat.Genius, na galit ka sa kanya. Ayokong magalit ka sa’kin kapag nalaman mo ang totoo kaya hindi ko na sinabi.

Me: Kaya ba sinabi mong birthday mo at magpapa-party ka? Palusot mo lang ba yun?

Thomas: Oo.

Me: Kung ganun, bakit hindi ka agad nagpakilala sa’kin? Natatandaan ko, nung unang beses na magkikita kami dapat ni Stat.Genius, nandoon ka rin. Plinano mo ba lahat ng ‘to para pagtawanan at lokohin ako? Walang hiya ka Thomas, pinagkatiwalaan pa naman kita!

Thomas: Ara, hindi naman sa ganun.

Me: Isang bagay lang ang malinaw sa’kin ngayon, niloko at nagsinungaling ka sa’kin! Pwede ba, wag mo nang dagdagan ang mga kasinungalingan mo?! Ang dami-dami na nila….(tumakbo palabas ng kwarto)

Akala ko pa naman totoong kaibigan ko talaga si Thomas. Yun pala, niloloko lang pala niya ako. Sana pinakinggan ko na ang warning ko sa aking sarili nung unang-una ko pang nakilala ang Thomas na ‘yun. Sinasabi ko na nga ba. Wala naman talagang ibang rason ang Thomas na ‘yun sa pakikipagkaibigan niya sa’kin kundi ang saktan, pagtawanan at pagmukhain akong tanga. Sino namang matinong tao ang maniniwala na ang isang tulad niya ay makikipagkilala at makikipagkaibigan sa isang tulad ko? Gwapo siya, matalino, mayaman at sikat sa basketball. Perpektong-perpketo talaga siya. Samantalang ako, hindi naman kagandahan, hindi rin mayaman at hindi sobrang talino. Kaya lang naman ako sikat kasi magaling lang ako sa volleyball. Other than volleyball, wala na ako. Pero kahit ganun, wala pa rin siyang karapatan na saktan ako! Unti-unti kong namamalayan, umiiyak na pala ako habang bumababa ako ng hagdan. Nasalubong ko ang Yaya ni Thomas.

Yaya: Ara, nakahanda na ang pagkain. Nasaan si Thomas? Umiiyak ka ba?

Make It Real (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fiction) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon