Please listen to the song on the right while reading. Alam kong medyo luma na ang song pero perfect na perfect ang lyrics para kay Mika. Salamat :)
..........................................................................................................................................................................................
Chapter 39- Travelling Down the Memory Lane
Mika’s POV
Nagmamadali akong umalis kina Kiefer pagkatapos kong magpasalamat at magpaalam sa parents niya. Hinatid naman ako ni Kiefer sa bus station.
Kiefer: Sigurado ka bang okay ka lang na magbyahe sa ganitong oras?
Me: Oo naman. Sige, aalis na ako. Baka mas lalo akong gabihin.
Kiefer: Sige, mag-ingat ka Cake. Tawagan mo agad ako pagdating mo dun. Love you! (hinalikan ako)
Me: I love you too! Sige, bye Cheese!
Sumakay na ako ng bus. Medyo nakatulog ako habang sa byahe. Nang magising ako, napansin kong malapit na kami kaya nag-text na ako kay mommy para masundo nila ako. Pagdating naming ng Bulacan, bumaba agad ako ng bus para hanapin sila. Nakita ko naman silang dalawa na kumakaway pa sa’kin.
Me: Ano bang meron at agad ninyo akong pinauwi? Akala ko kung ano nang nangyari sa’yo daddy.
Daddy: Aba, napaka-healthy ko yata anak. Hindi ako basta-basta nagkakasakit.
Me: Eh bakit nga ako nandito? Kita niyo nga ‘tong suot ko, kagagaling ko lang kina Kiefer. Dapat nga sumama siya dito eh.
Mommy: Tamang-tama talaga ‘yang suot mo anak. Dali, sakay na tayo ng kotse. Kanina pa siya naghihintay.
Me: Sinong siya?
Mom & Dad: Surprise naming sa’yo! Hahaha
Me: (rolls my eyes) Tara na nga, gusto ko nang makabalik agad sa Manila.
After ilang minutes na drive, nakarating na rin kami sa bahay namin. Napansin kong may mamahling kotse na nakaparada sa tapat ng bahay namin.
Me: Kaninong kotse ba ‘yan?
Mom & Dad: (nagkatinginan) You’ll see!
Me: Ugh! Ang OA talaga.
Nauna na akong pumasok pero pagdating ko sa may sala, napansin kong may lalaking naka-upo pero nakatalikod sa’kin. Ito ba ‘yung surprise nila? Sino naman ‘to? Nasagot ang katanungan sa aking isipan nang biglang gumalaw paharap sa’kin ang lalaki.
Unknown guy: Hi Mika! Kilala mo pa ba ako?
BINABASA MO ANG
Make It Real (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fiction) - COMPLETED
FanficAn absurd proposal. Hindi alam ni Mika kung bakit siya pumayag sa proposal ni Kiefer sa kanya na magpanggap bilang fake girlfriend nito. Habang tumatagal ay unti-unti niyang natatagpuan ang sariling umiibig nang todo-todo kay Kiefer. Magiging one-si...