Chapter 36

5.3K 59 20
                                    

Chapter 36- Payback Time

Ara’s POV

Everything is set para sa pag-resbak namin kay Trinca. Buti na lang pumayag sina Ate Abi & AteMich…ang galing talaga gumawa ng kalokohan este plano nitong si Kim. Pati si Kiefer kinasabwat namin. Naliwanagan na rin ako sa totoong nangyari dahil nag-usap kami ni Kiefer at nagpaliwanag siya. Humingi rin siya ng tulong kung paano siya mapapatawad ni Mika kaya sinali na rin namin siya sa plano.

Yesterday: (flashback)

Kiefer: So yun talaga ang totoong nangyari…bigla kasing nawala si Yeye sa mall. Hinanap ko siya kung saan-saan pero sa sobrang laki ng mall, napagod rin ako kaya naisipan kong maghintay na lang sa may exit. Nabigla na lang ako nang biglang sumulpot si Trinca at niyakap ako sabay halik. Hindi ko talaga ginusto yung nangyari…maniwala ka Ara. Sigurado akong plinano yun lahat ni Trinca. Mahal ko talaga si Yeye, sising-sisi ako sa mga nangyari. Gusto ko talagang kausapin agad si Yeye kaya lang naunahan ako ng takot. Baka ipagtabuyan niya ako.

Me: ‘Wag kang mag-alala Kief, naniniwala naman ako sa’yo. Alam mo bang gustong ipaghiganti ng Lady Spikers si Yeye? Dahil dyan, kasabwat ka na rin namin. Doon ka na rin magpaliwanag kay Mika. Siguradong hindi ka tatakbuhan nun.

Kiefer: Talaga?

Me: Tulala yata si Mika these past few days, siguradong mahal na mahal ka niya. Basta ayusin mo lang ang pag-uusap niyo.

Kiefer: Maraming salamat talaga sa tulong mo, Ara.

Me: ‘Wag ka munang magpasalamat, hindi pa nga nangyayari eh.

Kiefer: Pero salamat pa rin dahil naniniwala ka sa’kin.

Me: Alam ko naman talagang mahal na mahal mo si Yeye.

Kiefer: So tungkol sa plano niyo, ano ba ang dapat kong gawin?

Me: Simple lang naman. Dalhin mo si Trinca sa DLSU gym ngayong Sabado.

Kiefer: WHAT? Hindi ko nga masikmura ang babaeng ‘yun. Isa pa, baka mas lalong magalit si Mika sa’kin ‘pag nakita niyang magkasama kami ni Trinca.

Me: Basta ‘yun ang role mo. Magtiwala ka nga sa’min. Naka-plano na kaya ‘to lahat. So ano? Payag ka ba o duduwag-duwag ka na naman?

Kiefer: Syempre gagawin ko para sa’min ni Mika!

Me: ‘Yun naman pala eh…DLSU gym, Saturday, 1:30 PM. Wag mong kalimutan.

Kiefer: Yes Ma’am! (nag-salute pa)

Saturday, 12:30 PM, DLSU Dorm (living room):

Kim: Ano girls? Handa na ba kayo?

Cienne: Kanina pa ako handa!

Mokmok: Excited na ako! Sa wakas…revenge!

Me: Ssshhh..hinaan niyo boses niyo. Baka marinig tayo ni Yeye.

Justine: Tulala nga di ba?

Mich: Basta ‘wag nating kalimutan. Sa Team A: Ako, Ara, Mokmok, Rochelle, Cienne at Wensh.

Abi: Tapos sa Team B: Ako, Kim, Justine, Cyd, Denice, at syempre…

Kim: Yun! Sa pa’no Ara, una na kami ha? Ikaw na bahala kay Yeye.

Me: Sure, sige na…alis na kayo.

Umalis na nga sila. Huminga muna ako nang malalim bago ako umakyat papunta sa kwarto namin ni Mika.

Make It Real (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fiction) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon