Chapter 26

6.1K 50 13
                                    

Chapter 26- Regrets

Mika’s POV

Nag-panic na talaga ako nang makita kong bumagsak si Ara.

Me: Cheese!!! Tulungan natin si Ara! Ano bang nagyari sa kanya? Dalhin natin siya sa kwarto. Basang-basa siya sa ulan!

Agad lumapit si Kiefer at binuhat si Ara paakyat ng kwarto namin. Nilagay ko ang kamay ko sa noo niya- ang init-init niya! Inaapoy si Ara ng lagnat.

Me:  Anong gagawin natin? Baka may masamang mangyari kay Ara….

Kiefer: Relax ka lang Cake. Mabuti pa, humingi ka ng tulong kay Ate Abi. Tatawagan ko lang ang family doctor namin.

Me: (sumunod na ako sa sinabi ni Kiefer at pinuntahan ko agad ang kwarto ni Ate Abi, kumatok ako sa pinto nila) Ate Abi! Ate Mich! Tulungan niyo po ako…si Ara kasi, ang taas-taas ng lagnat.

Agad bumukas ang pinto….

Ate Abi: Nasan na si Ara?

Me: Nasa kwarto po. Basang-basa siya ng ulan.

Mich: Hindi mo pa ba pinapalitan ng damit?

Ang tanga-tanga ko talaga. Hindi ko man lang naisip na palitan muna ng tuyong damit si Ara.

Abi: Mabuti pa, tatawag muna ako ng doctor. Mich, Yeye, palitan niyo muna ng tuyong damit si Ara.

Me: Tumawag na po ng doctor si Kiefer, Ate Abi.

Abi: Mabuti. Sige, kukuha muna ako ng gamut na pwede niyang inumin.

Sumunod naman kami agad ni Ate Mich sa utos ni Ate Abi. Pinalabas muna namin si Kiefer para mabihisan namin si Ara. Nang tapos na namin siyang bihisan, sakto namang dumating si Ate Abi at ang doctor.

30 minutes later…

 

Me:  Kumusta si Ara, doc? Magiging okay lang ba siya?

Doctor: Sa ngayon, mataas talaga ang lagnat niya pero magiging okay rin siya bukas. Painumin niyo na rin siya ng gamot. Siguro’y dala na rin ng stress at pagod, plus nabasa pa siya ng ulan kaya tuluyan nang bumigay ang katawan niya at di na kinaya. Wag na kayong mag-alala, she’ll be fine in the morning. But I advise na wag muna siyang pumasok. She’ll need to rest.

Me: Maraming salamat po talaga, doc.

Doctor: Walang anuman. I’ll have to go ahead…

Abi: Thank you so much doc…

Mich: Hatid na kita sa baba, doc.

Make It Real (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fiction) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon