Chapter 18- Revelation
Ara’s POV
Haayy…nakakabato naman dito sa dorm. Wala na ngang klase + wala pang training dahil tapos na ang season + walang assignments at projects + wala na ring mga gawaing bahay dahil tapos na akong maglaba, etc. = gimik/lakad/gora time. Ang problema? Wala akong kasama. xD Busy sina Ate Abi at Ate Mich sa kanilang thesis, si Kim naman mukhang may lakad kasama mga high school friends, sina Cienne at Justine, may make-up class daw….and the so on and so forth. Si bestfriend Mika kaya! Ay, tanga ko talaga….may date pala sila ni Kiefer ngayon kaya inunahan akong maligo kanina. Ang hirap pala nitong wala ka man lang kaibigan na available para samahan ka. Di ko rin naman sila masisisi kasi ganun talaga.
For the first time in my life, na-wish ko talaga n asana may boyfriend na lang ako. Kasi ang boyfriend, isang tawag mo pa lang, sasamahan ka na agad. Maliban na lang siguro kung may emergency. Hay nako….mabuti pang tapusin ko na lang ang The Hunger Games na libro habang nagsa-soundtrip.
Nakikinig ako sa awiting Ho Hey ng The Lumineers habang nagbabasa. Nadala na rin ako sa kanta kaya nakisabay na ako sa chorus. Yung part lang kasi ng kantang yun ang alam ko. Hahahaha
“I belong with you, you belong with me
You’re my sweetheart!
I belong with you, you belong with me
You’re my sweetheart!
And Looovvveeee….”
“ARA! Pakihinaan nga ng boses mo! Pati yang music mo, kung pwede patayi mo na lang. Di namin matapos-tapos ‘tong thesis naming kasi di kami makapag-concentrate!” Saway sa’kin ni Ate Abi.
Wala na rin akong nagawa. Pinatay ko na lang ang music. Hay…ano ba ‘to? Parusa na ba ‘to? Grabe naman….nagmamaktol pa rin ako sa loob ng aking isipan nang biglang tumunog ang cellphone ko.
From Thomas:
Hi Ara! Wud?
Eto na ba ang sagot mo sa pagmamaktol ko Lord? Ang maka-text ang Thomas na ‘to? Siguro nga…reply-an ko na lang. Baka mawalan ng gana tapos magiging forever alone na talaga ako.
To Thomas:
Humihinga. Ginagampanan ang pagiging tao.
From Thomas:
Hahahaha. Joke ba ‘yun?
To Thomas:
Natawa ka di ba? Di joke na rin ‘yun.
From Thomas:
Hindi ka ba bored dyan sa ginagawa mo?
To Thomas:
Kung nakakamatay lang ang boredom, kanina pa ako nakahandusay. xD
BINABASA MO ANG
Make It Real (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fiction) - COMPLETED
FanfictionAn absurd proposal. Hindi alam ni Mika kung bakit siya pumayag sa proposal ni Kiefer sa kanya na magpanggap bilang fake girlfriend nito. Habang tumatagal ay unti-unti niyang natatagpuan ang sariling umiibig nang todo-todo kay Kiefer. Magiging one-si...