Chapter 30

5.4K 38 16
                                    

Chapter 30- Back-Up Plan

Mika’s POV

 

Takbo pa rin ako nang takbo habang umiiyak. Ang bigat-bigat na ng nararamdaman ko, parang hindi ko na kakayanin ang lahat…hindi ko alam kung sino ba talaga ang papaniwalaan ko. Kailangan ko talaga ng makakausap.

Kiefer calling…

 

“Cake? Sa’n ka ngayon? Susunduin kita dyan sa La Salle. Labas tayo” - Kiefer

 

“Ah, eh…ano kasi…hindi ako pwede.” - Me

 

“Bakit naman? Masama ba pakiramdam mo? Puntahan na lang kita sa dorm niyo.” - Kiefer

 

“Wag…wag mo na akong sunduin kasi nandito na ako sa dorm.” - Me

 

“So sa dorm na lang ako pupunta?” - Kiefer

 

“No. Sorry talaga Cheese pero may long quiz kami bukas eh. Kailangan kong mag-aral. Next time na lang, babawi ako.” - Me

 

“Okay Cake, ang sipag mo talagang mag-aral. Kaya nga love na love kita eh….” - Kiefer

 

Hindi ko napigilan, napaiyak ako sa sinabi niya.

“A-ako rin. S-sige Cheese....” - Me

 

“Umiiyak k aba Cake? May umaway ba sa’yo?” - Kiefer

 

Oo. Yung ex-girlfriend mo lang naman. Ipinamukha pa niya sa’kin kung sino talagang mas bagay sa’yo. Kaya nga ako umiiyak kasi hindi ko alam kung pinaglalaruan mo lang ba ako. Pero sa halip nay un ang sabihin ko, nagpalusot na lang ako.

“Sinong umiiyak? Hindi ako ah…ba’t naman ako iiyak eh nag-aaral nga ako” - Me

 

“Narinig kasi kitang suminghot kanina tapos ang boses mo, parang umiiyak” - Kiefer

 

“Wala yun…siguro magkaka-sipon ako.” - Me

 

“Pwes wag kang masyadong magpagod. Matulog ka nang maaga and drink lots of fluids. I’ll be there tomorrow, okay? Love you Cake!” – Kiefer

 

“Sige na, mag-aaral pa ako.” – Me

 

“Wala bang I love you too?” – Kiefer

 

“Wala ako sa mood makipagkulitan. Bye!” – Me

 

Hindi ko na kaya ‘to…kailangan ko ng makakausap na makikinig talaga sa’kin para gumaan naman ang loob ko. Agad kong tinawagan si Ara.

Make It Real (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fiction) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon