Chapter 22- The Reply
Mika’s POV
Maaga akong nagising dahil may klase na pala ngayon. Ang galing ko talaga, naunahan ko pa ng paggising ang alarm clock ko. For the first time yata mas nauna na akong nagising kay Ara. Maaga rin kasi akong natulog kagabi dahil nandito lang ako ng whole day sa dorm. Mukhang may kanya-kanyang lakad lahat ng tao kahapon…at ang dapat na kasama ko sa gala gahapon, iniwanan pa ako. Humanda ka talaga bestfriend, sisingilin kita! Gusto ko sanang yayain si Kiefer na mamasyal kahapon pero nahihiya ako. Kakalabas pa nga lang namin, baka sabihin niya assuming ako na boyfriend ko talaga siya. Isa pa, nakakahiya naman sa kanya kasi baka may ibang lakad ang taong yun. Kaya instead na gumala, nag-aral na lang ako buong maghapon. Nagpakabait talaga ako kahapon.
Tuluyan na akong bumangon at pinatay ang alarm kong hindi pa rin tumutunog. Mukhang himbing na himbing pa rin si Ara. Ano kayang ginawa nito kahapon at mukhang pagod na pagod siya pag-uwi niya? Mamayang breakfast ko na lang siya kukulitin. Tiningnan ko rin ang cp ko. Chineck ko kung may bagong messages ba ako. Hay nako, puro gm lang. Nakakainis! Hindi man lang siya nag-text! First time yata nangyari to….dati-rati naman halos araw-araw siya nagte-text sa’kin. Masyado na yata akong feeling ngayon. Oh no! Ano ba tong mga iniisip ko? Gumising ka nga Mika!!! Hindi mo totoong boyfriend si Kiefer! Itatak mo ‘yan sa kukote mo. Maghihiwalay rin kayo baling-araw. Pero bakit ang sakit-sakit sa tuwing naiisip ko na may hangganan lahat ng ‘to? Di kaya mahal ko na talaga si Kiefer? Naku….pa’no ba ‘to. Binalaan na ako dati ni Ara na masasaktan rin ako sa set-up namin. At mukhang tama nga siya, kasi umiibig na ako kay Kiefer.
“HOY MIKA AEREEN REYES!”
BLAAAGGGG!!!
Arayy!!! Nahulog na nga ako sa kama ko. Ang lalim na yata ng mga iniisip ko at di ko namalayang gising na pala si Ara.
Ara: Okay ka lang ba?
Me: Ang sakit ng likod ko….ikaw naman kasi, ginulat mo ako.
Ara: Malamang, kanina pa kita kinakausap pero tulala ka pa rin. Nagmumukha na nga akong baliw kasi kinakausap ko lang ang sarili ko.
Me: Ahhh, marami lang kasi akong iniisip.
Ara: Marami o nag-iisa? (ngiti nang makahulugan) Alam ko si Kiefer iniisip mo. Ano? Mahal mo na?
Me: Ha? Hindi…hindi ko mahal ‘yun.
Ara: Sus…sige, magsinungaling ka pa sa’kin Reyes. Kilalang-kilala na kita. Alam kong nagsisinungaling ka sa klase ng sagot mo at sa facial expression mo. Isa pa, obvious namang gusto mo talaga siya dahil nag-iiba ang kinikilos kapag nandyan si Kiefer.
Me: Ganun na ba ako ka-obvious best?
Ara: Di naman masyado. Ako lang yata ang nakakahalata. So inamin mo rin! Hahahaha. Gotcha!
BINABASA MO ANG
Make It Real (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fiction) - COMPLETED
FanfictionAn absurd proposal. Hindi alam ni Mika kung bakit siya pumayag sa proposal ni Kiefer sa kanya na magpanggap bilang fake girlfriend nito. Habang tumatagal ay unti-unti niyang natatagpuan ang sariling umiibig nang todo-todo kay Kiefer. Magiging one-si...