Chapter 37

5.5K 61 5
                                    

Chapter 37- Returning the Favor

Mika’s POV

Ang saya-saya ko talaga nitong mga nakaraang araw. Ang sarap kasi sa pakiramdam na okay na ulit kami ni Kiefer at kahit papano, nakaganti rin ako sa malanding Trinca na ‘yun…salamat na rin sa tulong ni Ara at ng buong Lady Spikers. Sa ngayon, hindi na muli pang nagpakita o nagparamdam si Trinca. Siguro’y tuluyan nang natauhan o nag-iisip na naman ng bagong paghihiganti. Pero kung ano man ‘yun, hindi na ako takot na kalabanin siya dahil alam kong marami akong kakampi at ang pinakamahigit sa lahat, alam kong mahal ako ni Kiefer. Kaya back to normal na naman ang lahat para sa’min ni Kiefer….halos araw-araw nga niya akong sinusundo at halos araw-araw rin kaming lumalabas dahil hindi daw siya mapakali kapag hindi niya ako nakikita ng isang buong araw. At ang tungkol sa first kiss? Hindi na muling nangyari ‘yung ‘almost kiss’ naming gaya ng nangyari sa Hongkong…hindi na rin namin napag-uusapan pero alam kong darating din ang perfect moment para dyan. For now, tamad mode muna kami ni Ara. Wednesday naman ngayon pero relax kami kasiUniversity Week namin.

 Me: Alam mo best, hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ninyo ‘yun kay Trinca.

Ara: Aba, syempre naman no? Hindi kaya kami makakapayag na halos araw-araw ka na lang tulala dahil sa kanya. Kung ano-anong bagay na ang sinigaw namin sa’yo pero wa-epek pa rin.

Me: Pwede ba ‘wag na nating balikan ‘yung nangyari sa’kin? Ang gusto kong malaman, kung paano niyo nagawa ‘yun.

Ara: Hahaha, simple lang naman. Si Kim ang nag-plano lahat tapos sumunod lang kami.

Me: Pero ang hindi ko lang ma-gets ay kung paano niyo napapayag ang primadonnang si Trinca na maglaro ng volleyball.

Ara: Hahaha, ganito kasi ang nangyari….

Flashback:

Pumasok na sa gym sina Ara at Trinca.

Ara: Girls, you’ll never believe kung sino ang kasama ko ngayon.

Kim: Hay salamat at nandito ka na rin Ara! Makakapaglaro na rin tayo!

Cienne: (fake excitement) OMG! Si Trinca Trinidad ba ‘yang kasama mo?

Trinca: The one and only. (maarteng pagkasabi)

Kim: Eh anong ginagawa ng babaeng ‘yan dito? Di ba inaway niya ang Yeye natin?

Trinca: Actually, ako ang inaway ng Mika niyo. And yes, I’m here ‘cause Kiefer’s gonna break everything up with Mika in order to be with me.

Mich: Talaga ha?

Trinca: Are you slow? I just said it, di ba? And right this minute, I’m sure nag-uusap na sila that’s why I’m left in the company of you losers.

Abi: Anong tawag mo sa’min? Losers?

Mich: Hindi mo yata alam ang sinasabi mo.

Trinca: What do you think of me? Idiot?

Abi & Mich: YES!

Trinca: What?!

Ara: Joke lang ‘yun…ang ibig naming sabihin, why don’t you play volleyball with us while you’re waiting?

Trinca: Are you crazy? 3-Peat champions yata kayo…although I think you’re still losers.

Kim: (bumulong kay Ara) Isang hirit pa at sasabunutan ko na talaga ang babaeng ‘to.

Ara: (bumulong rink ay Kim) Relax ka lang, makakaganti ka rin mamaya.

Make It Real (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fiction) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon