Chapter 2- Chance Encounters
DLSU Dorm: Nagmamadali na silang lahat dahil male-late na sila sa kani-kanilang klase.
Mika: Hoy Ara, nagmamadali na nga tayo ba’t text ka parin nang text dyan? Sino ba kasi talaga yan?
Ara: Hay nako, wala nga kasi. Tara na nga… may oral recitation pa naman tayo.
Ara’s POV
Sino ba kasi tong taong text nang text sa’kin? Ayaw naman niya magpakilala. Pero in fairness, malaki utang na loob ko sa ka-text kong ‘to. Siya kasi sumasagot sa lahat ng assignments ko sa statistics. Hirap pa naman nang subject na’yon. Pano ko ba nakikilala ang textmate kong ‘to? Ganito kasi yon….
FLASHBACK
Prof: Ms. Galang, answer the problem on the board.
Ara: Sir? Ah, eh….. (sa isip nya: paano ba to ara? Naku as usual, wrong answer ka naman. Help Lord….)
At gaya nga ng inaasahan ni Ara, mali talaga ang sagot niya. Buti na lang, wala ring nakakuha ng tamang sagot kaya pina-assignment na lang ito ng guro nila.
Ara: Hay nako, sana naman may makasagot na nito at mangongopya na lang ako. Tsss…. (kinopya ang assignment sa isang papel tapos sinulatan: “Sa makakapulot/makakabasa ng papel na ‘to, paki-answer naman ng assignment ko. Matinding pangangailangan lang talaga…please”. Pagkatapos sulatan ang papel ay inipit niya ito sa isang maliit na sulok ng kanyang desk)
Nang sumunod na araw, agad chineck ni Ara kung may nakabasa ba ng kanyang sulat. At sa laking tuwa niya, kumpleto sa lahat ng sagot ang assignment niya. Pero may nakasulat na mensahe naman galing sa sumagot non.
“HOY! Ang bobo mo talaga. Sana naman mag-review ka ng lessons mo at wag nandadamay ng iba.” ß---nakasulat sa papel.
Ara: Aba! Tinawag pa kong bobo? Sulatan ko kaya to ng reply: “Hoy ka rin! Ang lakas ng loob mong manghusga ah. Hindi mo nga alam buong storya kung bakit naghihirap ako sa stat. Pero salamat na rin sa’yong tulong. Sagot lang hinihingi ko, hindi sermon at reklamo mo.”
Lumipas ang ilang araw at panay ang palitan nila ng mensahe sa pamamagitan ng papel. Palagi na lang kasing umaasa si Aras sa mga sagot ng unknown stat. genius kaya kahit kinokopya nya lang ang sagot ay natuto at naiintindihan niya na rin ang kanilang mga lessons. Isang araw, may biglang nag-text kay Ara na unknown number.
From 091958*****
Hoy! Musta grades mo sa stat? Tumataas na ba? :P
To 09195******
Sino ba to? Anong paki mo sa grades ko?
From 091958*****
Ako lang naman ang taga-sagot ng mga stat. problems mo. Dapat magpasalamat ka talaga sa’kin. Oh ano? May natutunan ka ba?
BINABASA MO ANG
Make It Real (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fiction) - COMPLETED
FanficAn absurd proposal. Hindi alam ni Mika kung bakit siya pumayag sa proposal ni Kiefer sa kanya na magpanggap bilang fake girlfriend nito. Habang tumatagal ay unti-unti niyang natatagpuan ang sariling umiibig nang todo-todo kay Kiefer. Magiging one-si...