Chapter 28- Paths Crossed
Kiefer’s POV
Lumipas ang tatlong linggo pero mukhang hindi naman tinotoo ni Trinca ang kanyang banta. Pagkatapos ng tawag niya, agad kong tinawagan kinabukasan si Mika. Tinanong kung okay lang ba siya at kung wala bang babaeng lumapit at nang-away sa kanya. Nakahinga lang ako ng sabihin niyang okay lang siya at wala naman daw’ng nang-aaway sa kanya. Naalala ko pa ang usapan namin last week.
Mika: Okay nga lang ako. Wala namang nananakit sa’kin. Sino naman ang gagawa nun sa’kin?
Me: Kahit sino naman pwedeng manakit sa’yo. Sa panahon natin ngayon, marami nang siraulo.
Mika: Eh bakit paranoid na paranoid ka? Safe naman tong DLSU. Isa pa, alam ko namang palagi mo akong proprotektahan.
Me: Aba, subukan lang nilang saktan ka. Gaganti talaga ako.
Mika: Uy, wag ka namang ganyan. Masama ang gumanti. Pero ‘pag ikaw inaway nila, uupakan ko talaga sila.
Me: Kakasabi mo nga lang na masama ang gumanti…
Mika: Nagkakaganito lang naman ako nang dahil sa’yo. Mahal kasi kita…
Me: Naman! Mahal natin ang isa’t isa. Basta ito tandaan mo, kung may sinabi man ang ibang tao na masama tungkol sa’kin, wag na wag kang maniwala. Mangako kang ako lang ang papaniwalaan mo. You trust me, right?
Mika: Of course Cheese…I trust you with all my heart.
Me: Thank you Cake. (hugs Mika sabay halik sa ulo)
Mabuti nga at hindi niya nahalata na pilit ko siyang itinatago at prinoprotektahan laban kay Trinca. Ang kinatatakutan ko lang, ay ang dumating ang araw na magkaharap sila at Trinca. Bukod sa ayaw kong malaman niya ang mga naging unang intensiyon ko sa kanya ayaw ko ring saktan niya si Mika. Baka kung anong kasinungalingan pa ang sabihin ng Trincang ‘yun para lamang masaktan si Mika. Pero dalawang lingo na ang dumaan at mukha namang okay na lahat. Siguro nga nagbabanta lang ang Trincang ‘yun. But knowing her attitude, I know she’ll never go down without a fight. Siguradong gagawa at gagawa yun ng paraan para makapaghiganti at para makuha niya ang gusto niya.
Tama na muna siguro ang pag-iisip ko sa babaeng ‘yun. Sa ngayon gusto ko munang i-enjoy ang oras naming dalawa ni Mika. Sabado kasi ngayon, pareho kaming walang pasok kaya naisipan kong ipasyal siya. May naisip na akong activity na pwede namin gawin pareho. Sigurado akong mag-eenjoy talaga si Cake nito. Mag-aalas-10 na ng umaga. Sumakay na ako ng kotse at dumerecho sa dorm nina Mika.
Pagdating ko sa dorm, nakasulubong ko si Ara sa gate.
Me: Good morning Ara, mukhang may lakad tayo ngayon ah.
Ara: Ah oo. Meron nga. Sige, alis na ako.
BINABASA MO ANG
Make It Real (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fiction) - COMPLETED
FanfictionAn absurd proposal. Hindi alam ni Mika kung bakit siya pumayag sa proposal ni Kiefer sa kanya na magpanggap bilang fake girlfriend nito. Habang tumatagal ay unti-unti niyang natatagpuan ang sariling umiibig nang todo-todo kay Kiefer. Magiging one-si...