Chapter 45- Changes
FAST-FORWARD: 3 years later…
Mika’s POV
I still can’t believe na tatlong taon na pala ang lumipas mula nung una kong makilala si Kiefer. Parang kailan lang nung nagpanggap ako bilang girlfriend niya hanggang sa nauwi nga sa totohanan ang lahat. Akala ko magiging okay na kami nang tinotoo na nga namin ang aming relasyon pero sinubok kami nang sinubok ng tadhana. Biglang dumting si Trinca na isa palang mapaghiganti na ex ni Kiefer, tapos nung akala ko’y tapos na kami kay Trinca, saka naman biglang umeksena ang dati kong kaibigan na si Joseph. Buti na lang walang sumuko sa aming dalawa kaya heto kami ngayon, still together and going strong. Mula nung huli kong makita si Trinca sa bahay nina Kiefer, hindi na siya muling nagparamdam o nanggulo sa’min. Si Joseph naman, wala na akong balita kung ano ang nangyari sa kanila ni Mariella basta ang huli kong natatandaan, napanood ko sa t.v. ang pag-anunsyo na nag-quit na daw si Joseph sa kanyang career bilang artista at modelo. Marami nga ang nanghinayang kasi nasa peak pa lang siya ng kanyang kasikatan pero ayon daw sa mga sources, personal reasons daw ang dahilan kaya siya nag-quit.
Sa ngayon, graduating na kaming dalawa ni Ara habang si Kiefer naman, naunang grumaduate sa’kin ng isang semester. Ang bilis-bilis talaga ng panahon, parang kahapon lang first years kami ni Ara tapos rookie pa kami sa UAAP pero ngayon, final year na pala namin para maglaro. Marami na rin ang nangyari sa loob ng tatlong taon… for the first time ever, nag-6-peat ang La Salle. Sa loob ng 5 years na paglalaro ko sa UAAP, nag-champion ‘yun lahat. Ang galing naman kasi ni Coach Ramil. Kahit graduate na si Ate Abi, pinalitan naman ni bestfriend ang pagiging leader niya sa court. At ngayong mag-eexit na kami, nasa kamay naman nina Desiree Cheng at Kim Dy ang future ng Lady Spikers. Sana mag-7-peat pa. Bwahahaha
Ara: Hoy best! Bakit nakatulala ka pa rin dyan? Tara na! Excited na ako!
Me: May iniisip lang ako. Ikaw talaga, napaka-apurado mo.
Ara: Ikaw kasi eh, ang tagal mo dyan. Kanina pa nila tayo hinihintay.
Me: Andyan na nga. Mauna ka na sa baba ha? Susunod na ako.
Ara: Dalian mo! Mahiya ka naman sa’min, pinaghihintay mo kami ng matagal.
Me: Ito na nga o, nagmamadali na ako. Bumaba ka na kasi, ‘wag mo akong pre-pressure-in.
Pagkalabas ni Ara, inayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko at sumunod na rin ako sa kanya. Nandito pa rin kami sa dorm, isang buwan na lang at iiwan ko na rin ‘to kasi gra-graduate na ako. Pero sa ngayon, mag-eenjoy muna ako kasi may outing kami nina Ara, Kim, Cienne at Camille sa beach. Sila kasi ang pinaka-close ko talaga sa team at since batchmates kami, naisipan naming mag-enjoy at mag-relax muna bago ang final exams and the big day.
Tumakbo na ako palabas at pumasok na ako sa van. Pagpasok ko, kumpleto na pala silang lahat. Nahiya tuloy ako kasi pinaghintay ko sila.
Ara: Hay salamat, nandito ka na. Akala ko wala ka nang planong sumama.
Kim: Aba Mika, isang minuto na lang at iiwan ka na sana namin.
Me: Sorry talaga.
Cienne: Manong, alis na tayo! Ang init-init na dito, gusto ko nang mag-swimming.
Camille: Sis, ‘wag kang masyadong atat. Baka pagdating natin hindi pa pala tapos ma-set-up ‘yung- (agad tinakpan ni Kim ang bibig)
Me: Anong hindi pa tapos ma-set-up?
Kim: ‘Yung pagkain.
Me: Anong pagkain? Akala ko ba may baon na tayo?
Camille: Uhm, nag-order kasi ako ng lunch sa restaurant dun sa beach. Baka hindi pa tapos i-set-up. Hahaha
BINABASA MO ANG
Make It Real (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fiction) - COMPLETED
Fiksi PenggemarAn absurd proposal. Hindi alam ni Mika kung bakit siya pumayag sa proposal ni Kiefer sa kanya na magpanggap bilang fake girlfriend nito. Habang tumatagal ay unti-unti niyang natatagpuan ang sariling umiibig nang todo-todo kay Kiefer. Magiging one-si...