Chapter 21- Acceptance and Rejection
Thomas’ POV
Kiefer Ravena?
Bakit kasama niya si Ara?
At mukhang masaya yata sila dahil nagtatawanan pa sila?
Gusto ko na sanang umalis na lang at iwan silang dalawa pero na-curious talaga ako. Lumapit na lang ako sa kanila.
Me: Hi guys! What’s up?
Kiefer: Pareng Thomas! Kumusta? Long time no see! Hahaha
Ara: Hi Thomas! Buti napasyal ka dito. Join ka sa’min.
Me: Sigurado ka ba? Wala ba akong nadidisturbo?
Kiefer: Wag kang mag-alala pare, paalis na rin naman ako. Ikaw na bahala kay Ara. Ara, salamat talaga sa lahat-lahat. May naisip na ako.
Ara: Wala yun…basta yung pinag-usapan natin ha? Humanda ka talaga ka sa’kin!
Kiefer: Yes Ma’am. Pa’no Pareng Thomas, una na ko sa’yo. Bye Ara. (naglakad at lumabas na ng Starbucks)
Me: (na-OP) Sige…Ah Ara, hindi sa chismoso ako ha pero tungkol sa’n ba yung pinag-usapan niyo ni Kiefer kanina? Hindi ko alam close pala kayo….
Ara: (snorts) Close? Hahaha….hindi naman talaga kami close ng Kiefer na ‘yun. May importanteng bagay lang kaming pinag-usapan.
Me: Tungkol saan nga?
Ara: Hindi ko pwedeng sabihin eh. Isang malaking sekreto.
Me: Sus, wala ka bang tiwala sa’kin? Siguro nangliligaw yung si Ravena sa’yo noh?
Ara: Bakit? Selos ka?
Me Hindi ah. Alam mo bang playboy yang si Kiefer? Kapag sinagot mo siya papaiyakin ka lang niya.
Ara: Alam ko namang playboy siya. Kaya ko nga siya kinausap nang masinsinan.
Me: Ara, wag!!!! Wag na wag mong sagutin ang Kiefer na ‘yun…kawawa ka talaga. Marami namang iba dyan na nagmamahal este nag-cacare sa’yo…
Ara: Teka, teka…ba’t concerned na concerned ka yata tungkol sa’min?
Me: Ha? Syempre, concerned talaga ako sa’yo kasi kaibigan mo ako. Pero maniwala ka talaga sa’kin Ara…
Ara: Tama na nga ‘yan. Umaandar na naman ang pagiging paranoid mo. Hindi ako ang nililigawan ni Kiefer. Di mo ba alam na boyfriend na yun ni Mika?
BINABASA MO ANG
Make It Real (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fiction) - COMPLETED
FanfictionAn absurd proposal. Hindi alam ni Mika kung bakit siya pumayag sa proposal ni Kiefer sa kanya na magpanggap bilang fake girlfriend nito. Habang tumatagal ay unti-unti niyang natatagpuan ang sariling umiibig nang todo-todo kay Kiefer. Magiging one-si...