Chapter 52- The Finale
Mika’s POV
Pagkatapos kong magbihis at maglagay ng konting make-up, tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Mukhang okay na rin siguro ‘tong outfit ko. Isang simpleng black dress na sleeveless at above the knee ang taas na tinernuhan ko ng red pumps. Nang ma-kuntento na ako sa aking itsura, lumabas na ako ng kwarto at sumakay ng elevator papunta sa baba. Ayon kay Jeron, naghihintay na daw sa’kin ang kanyang driver na si Mang Carding.
Pagbaba ko, nakita ko siya agad.
Me: Good evening po, Mang Carding.
Carding: Good evening, Ma’am Mika. Halina po kayo. Naghihintay na si Sir Jeron.
Me: Saan po ba kami magdi-dinner ngayon?
Carding: Malalaman niyo rin po, Ma’am.
Pati ba naman si Mang Carding, kinausap rin ni Jeron? Hay nako, wala na talaga akong magagawa kundi sumunod na lang. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at pumasok na rin ako.
Habang nagmamaneho si Mang Carding patungo sa restaurant na kakainan namin, unti-unting naging familiar sa’kin ang daan na tinutungo niya. Seryoso ba talaga si Jeron? Umiling ako. Hindi naman siguro… marami pa kayang restaurant na dito rin ang daan.
Pagkatapos ng ilang minuto na pagmamaneho, hininto ni Mang Carding ang kotse. Seriously? Sa lahat ng restaurant na pwede naming kainan, bakit dito pa ang napili ni Jeron? Nananadya ba siya o hindi lang talaga niya alam?
Mang Carding: (pinagbuksan ulit ako ng pinto) Nandito na tayo Ma’am.
Me: Sigurado po ba kayong dito talaga ang restaurant na siabi ni Jeron? Baka nagkakamali lang po kayo.
Mang Carding: Nako, hindi Ma’am. Siguradong-sigurado ako. Ako nga ang nagmaneho para sa kanya nang magpunta siya dito para sa reservation.
Me: S-sige… maraming salamat po Mang Carding.
Wala na rin akong ibang magawa. Bumuntong-hininga muna ako bago ako pumasok sa restaurant. Parang wala pa ring nagbago sa restaurant na ‘to. Dahil halos wala ngang nagbago, mas lalo lang naging sariwa ang lahat ng memories na nangyari sa mismong restaurant na ‘to. Dahil ang restaurant na ‘to, ang mismong restaurant nina Kiefer- kung sa’n una akong pumayag bilang fake girlfriend. At sa restaurant din na ito nagtapat si Kiefer ng kanyang pag-ibig sa’kin. Pero nasa past na ‘yun lahat… ngayon, pupunta ako sa restaurant na ‘to hindi na dahil kay Kiefer kundi dahil kay Jeron. Pero sa isiping ‘yun, bakit parang biglang sumakit ang dibdib ko? Hindi ko na pinansin ang kakaibang lungkot na nararamdaman ko. Kailangan kong magmukhang masaya kapag nag-propose na si Jeron.
Pagpasok ko sa loob, agad kong nakita si Jeron na nakaupo sa isang table na set for two. Lumapit na ako sa kanya. Nang makita niya ako, agad siyang tumayo para lumapit sa’kin.
Jeron: Mika! You’re finally here. (kisses me) As usual, you look very beautiful and stunning.
Me: (smiles back at Jeron) Thank you.
Hinila ni Jeron ang isang upuan at pinaupo niya ako.
Me: So what’s that important thing na gusto mong sabihin sa’kin?
Jeron: Let’s have dinner first.
Ewan ko ba pero bigla kong naalala si Kiefer sa sinabi ni Jeron. Ganitong-ganito rin kasi siya noon sa tuwing may importante siyang sasabihin sa’kin. Nako, bakit ko ba biglang naisip ang Kiefer na ‘yun? Bawal ko na siyang isipin magpakailanman.
Jeron: Mika!
Me: What?
Jeron: I said what do want for dinner?
BINABASA MO ANG
Make It Real (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fiction) - COMPLETED
FanfictionAn absurd proposal. Hindi alam ni Mika kung bakit siya pumayag sa proposal ni Kiefer sa kanya na magpanggap bilang fake girlfriend nito. Habang tumatagal ay unti-unti niyang natatagpuan ang sariling umiibig nang todo-todo kay Kiefer. Magiging one-si...