Chapter 8

272 7 0
                                    

[A-ven's POV]

Unti-unting dumidilat yung mga mata ko, Ano to? Nasa kwarto na ko? Sinong-- Pano-- Haaayy.. Sumasakit ulo ko kaka-isip! Ang init-init pa! Kinuha ko yung remote control nung aircon ko. after kong buksan, Tsaka ko lang napansin na may tao sa tabi ko!

S-si... S-si... Si Gio? Teka! Sya ba nagdala sakin dito? Sya nagbantay sakin? Sya nagalaga? Luh!? Anu ba yan! Magkakaron pa ko ng utang na loob dito sa bwisit na to!

Naka-gilid yung ulo nya kaya ngayon nakatapat sya sakin. pinagmasdan ko naman yung mukha nya, Ang amo-amo! Parang ang bait-bait nya pag tulog, Gwapo nga talaga sya ah! No wonder ang daming girls na nagkakandarapa sakanya! Ayyy! Teka nga! Ano bang pinagsasasabi ko? Tumigil ka nga A-ven! Bwisit yan ok? Bwisit!! Tsss..

Babangon na dapat ako at iiwan nalang sya, kaya lang gumalaw yung ulo nya at napansin kong padilat na sya, nagkunwari nalang ulit akong natutulog! Aish...

"A-ven? Gising ka na ba?" Tanong nya.

(Ay bungol? Nakapikit nga ako eh! lol)

"Ahh.. Ang sakit ng ulo ko!.. Hayy!" napatigil yata sya mag-salita?

"Hmmm.. Ang ganda mo pala talaga! hehe.. hindi ka nakakasawang titigan pag-tulog ka, mukha ka talagang mabait! Sana lagi ka nalang tulog para rin hindi ka dumadaldal! hehe"

(Loko to ah! Ano? Sapakin ko na kaya!)

"Pero seryoso, Ang ganda ganda mo sa kahit na anung angulo, Haaayy.. Buti tulog ka, Kahit papano, nasasabi ko lahat! Kapag kasi gising ka, makita lang kita natataranta na ko! Ewan ko nga! Ikaw lang nakakagawa sakin nun! Iba ka talaga!"

(Ofcourse! The best ako eh! Connect? hehe)

"Kung sana, hindi ko nasira yung first meeting natin, siguro, tatanggapin mo pa ko as a friend! Pero dahil bobo ako, ayun! We started as enemies. Hmmm.. A-ven! Sorry ulet huh? Tungkol dun sa first kiss mo, hindi ko naman talaga sinasadya eh. Nabigla lang ako! Mabilis kasi uminit ulo ko. Tapos ang daldal mo pa! tsk!"

(Aba! Ako pa sinisi nitong bwisit na to! hmp!)

"Sana, matanggap mo na yung sorry ko! Kahit yun lang! kahit di mo na ko tanggapin as a friend. Ayoko lang yung feeling na guilty ako everytime na nakikita kita! Pinaiyak pa kita! Ang bad ko sayo! Pero hindi naman dapat eh! Mabait naman ako! Pagkaharap lang talaga kita, sa sobrang taranta ko, kung ano-ano na nasasabi at nagagawa ko! Sorry ulet!"

(Teka! Sincere ba sya? Ramdam ko sa boses nya eh! Hmm)

"Kahit ipagtabuyan mo ko, sige lang! pero asahan mong hindi ako mawawala kapag may nangyari sayo! babantayan kita sa malayo! kahit ganun nalang siguro gagawin ko! Pero kung papalarin, Sana talaga, magkabati na tayo! gusto ko ng maging maayos na tayo! Ayokong ikaw pa yung makakaaway ko!"

(Ano to? I feel bad sa mga nasabi ko last time! I guess... It's time to forgive and forget? Tama naman sila ate eh! Kahit anong gawin ko, hindi na mababalik yung mga nangyari)

"Tsaka! Alam mo ba! quits lang naman tayo eh! Ikaw din kaya first kiss ko!"

"WHAT?!" Hala! Sa gulat ko, napadilat na ko at napasigaw pa! Kaloka!

O_______O <-- SYA

"A...A-ven? Kanina ka pa ba g-gising?"

"Ayyy! he-he.. Uhmm.. Dun palang sa part na tinatanung mo kung gising na ko! he-he"

"S-so? Y-you heard e-everything?"

"A-ahmm.. Kindda?"

"A-ven naman eh! Bat di ka nalang dumilat agad? Anu ba yan! Nakakahiya na!"

It must be love [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon