Chapter 6

267 5 0
                                    

[Gio's POV]

May kwento ako! Actually, kilala nyo kung sino ang taong part ng story ko, Well, There's this girl, nakita ko sya sa mall, sobrang na-mesmerize ako sa ganda nya, sa sobrang pagkatulala ko, ayun! nabangga ko sya, nataranta ako kasi tinulungan nya kong damputin yung mga gamit ko na nahulog. Nag-sorry naman sya, sa sobrang taranta ko isa lang nasabi ko.

"Paharang-harang kasi sa daan eh!" SHET!! bakit yun pa nasabi ko? Tsk!

Nagalit naman sya, habang nagagalit sya, dun ko lang sya nakikita ng malapitan, then naisip ko, panindigan ko nalang, tutal, hindi na naman siguro kami magkikita ulet, kaya ayun! pinanindigan ko nalang yung ginawa ko. and ayun, naging enemies tuloy kami. haaayy.. kung alam nya lang sana.

Hanggang sa naka-uwi kami, sya lang yung nasa isip ko, by the way, hindi kami magkakasama ng mga pinsan ko sa iisang bahay, hinatid lang nila ko at binalak nilang magstay muna dito since wala ang parents ko.

"Ano bang problema mo at nakipag-away ka dun sa babaeng yun?" tanong ni Sam.

"Mga kuya! Na-love at first sight ako eh!" Nagulat lang sila sa sinagot ko.

"Love at first sight? eh bakit inaway mo?" tanong ni Charles

"Eh nataranta na ko! Tsaka nakita ko lang ng malapitan yung mukha nya habang nagagalit sya, kaya tinuloy ko nalang! hindi na naman siguro kami magkikita diba?"

"Sus! Eh pano kung magkita ulet kayo? Sige nga?" Tanong ni kuya Luis.

"Hindi yan! Pero kung magkita nga ulet kami, Wag kayong mag-alala, Makikipag-ayos ako agad!"

"Dapat lang! Pero couz! Salamat huh? Kung di dahil sayo, hindi ko makikilala yung pinsan nung babaeng yun! Ella pangalan nya! Ang ganda nya!" Sabi ni Kuya Archie, Pinagbabato nga namin ng unan!

"Langya to! nakipagaway na't lahat si Gio nagawa mo pang dumiskarte! Imba ka bro!" Sabi ni kuya Arjhay.

Haaayy.. Hanggang sa pagtulog ko, sya parin iniisip ko, sana, kahit malaman ko lang yung pangalan nya, ayos na sakin yun!

****

Pasukan na, Panibagong school nanaman! Pano, nagsilipatan kami ng bahay, Well, eto na! Papasok na kami sa room, nakatungo lang ako, nung nagpakilala ako tsaka ko lang inangat ang ulo ko, tapos, sakto namang nakita ko...

huh?

SYA NGA!!! yung babaeng nakaaway ko sa mall, Nandito sya? Teka! dito sya nag-aaral?!.. Pano to? Baka may galit parin sya sakin? pano ko sya papansinin? Anu ba yan! Small world nga naman! Bahala na nga

Natapos ang klase pero hindi nya ko pinapansin, hmmm.. inisin ko na lang kaya? hehe.. Trip lang naman! kaya sinitsitan ko sya ng paulit-ulit hanggang sa lumingon sya hehe.. nainis na yata. hindi na ko nagsalita, tumuloy nalang ako ng kaka-lakad at sumunod naman sya! haaayy.. talak sya ng talak! ang sakit sa tenga! Umiinit na ulo ko ah..

Hanggang sa binantaan ko sya na hahalikan ko sya pag di sya tumigil. kaso sige parin sya sa talak! wala talagang kinakatakutan to ah! Grabeee!! naririndi na ko sa bibig nya! nilingon ko sya hanggang sa ayun! Nahalikan ko na sya!

BAKIT KO NAGAWA YUN? ANO PANG MUKHA MAIHAHARAP KO NGAYON SAKANYA?!

AISH!! G*go ka Gio! Ang t*nga-t*nga mo. May respeto naman ako sa mga babae pero ewan ko, nadala na ko ng init ng ulo ko! bwiset.. Nakita ng ate nya na napahigpit yung hawak ko sa wrist nya kaya ayun, sinipa ako sa tyan! Haaayy..

Pinatawag naman kami sa guidance office, After ma-sermunan, binigyan kami ng punishment na magvo-volunteer daw kami sa library for 1 month.. meaning makakasama ko sya? haaayy.. kailangan ko umisip ng way para maiba tingin nya sakin. para mapatawad nya ko! kahit na anong way gagawin ko! Maging ok lang kami!

It must be love [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon