[A-ven's POV]
After sabihin ni Sam yung mga nangyari kanina kay Gio, agad ko syang pinuntahan sa may garden! Ano ba yan? Bakit ba ko natataranta ng ganito! Gio namaaaan!! >.<
Pagdating ko dito sa garden, nakita kong nakahiga lang si Gio. Agad ko naman syang ginising kasi baka... you know... Nahimatay na to >.<
"HOY!! BESTFRIEND!!! GISING!!!" Agad naman syang nagising at umupo.
"Bakit A-ven?? May problema ba? May sunog? Nasan??!!"
"Loko!! Walang sunog!! Ok ka lang ba??"
"H-huhhh?? Oo naman! Ok naman ako!"
"Sabi kasi ni Sam matamlay ka daw kahapon pa! Tapos hindi ka daw kumain ng breakfast tapos nahihilo ka pa daw bago pumasok!"
"ANO??!!! Hindi yan totoo hah!!"
"H-huuhh??"
"Nagalit nga sila kanina kasi inubos ko pa yung ulam, kinulang tuloy sila, tsaka hindi ako nahihilo pero inaantok lang ng konti!!" Napatigil naman ako dun, then napa-upo nalang sa tapat ni Gio! The effff!! Pinagtripan ako ni Sam! Yari yun sakin!! Nakuuuuu >.<
"Teka nga! Concern ka ba sakin? Bestfriend huh? ayiiiieee!!" pang-aasar ni Gio. Pang-aasar nga ba? -.-
"Huh? Lul! Mukha mo!!"
"Sus! Halatang hingal na hingal ka pa nga pagdating dito eh!"
"A-akala ko k-kasi totoo na nuh! Bakit? Bestfriend kita! Syempre may pake ako sayo noh!"
"Tsss.. May pake ba yung umiiwas sakin?? Ano bang problema natin A-ven??" Natigilan naman ako sa tanong nya! ano nga ba? dahil na-iinlove na sya sakin? pero kasi. bestfriend ko sya! di sya pwedeng ma-inlove sakin! PERIOD!!
"W-wala naman!!"
"Wala? Liar!!!"
"H-huhh??"
"Dahil ba dun sa inamin ko sayong na-iinlove na ko sayo?" Nag-blush naman ako! Ano ba to? Ang awkward na for me!! Ayoko sa ganitong sitwasyon!!!
"Sus!! No!! As if naman totoo yun diba? tingin mo sakin? assuming?" tama to! deny pa A-ven.
"Pano kung totoo naman yun?" Nagulat naman ako, naka-iwas kasi ko ng tingin kaya nung tumingin ako sakanya, nakatitig na pala sya sakin.
"W-what do you mean?"
"Ang tanong ko, pano kung totoo naman na in-love na nga ko sayo! May masama ba dun?" So? Gusto nya malaman huh? Fine!! Madali akong kausap >.<
"Meron!!!"
"H-huhh? A-ano naman?"
"Masama kasi mag-BESTFRIEND tayo!!!" Ayan! Yan gusto mo marinig! Ok!! >.<
[Gio's POV]
"Masama kasi mag-BESTFRIEND tayo!!!" Ano daw?? Talagang yun lang tingin nya sakin? di na ba pwedeng MAS pa dun??
"A-ano naman kung magbestfriend tayo??"
"Hindi ka pwedeng ma-inlove sakin kasi magkaibigan tayo!! Aiish!! Bahala ka na nga jan! Basta sinasabi ko sayo, kung ano man yang nagsisimula mong maramdaman sakin, ngayon palang, itigil mo na yan Gio! Kasi mag-BESTFRIEND tayo!! *siiiigh* Una na ko! Mag-practice kang mabute!!" Sabay tayo nya at umalis na nga!
Tama ba yung narinig ko? Talaga bang yun na yun? wala na ba kong magagawa? Hindi ko na ba mababago yung desisiyon nya? Tsaka, Ano naman kasi kung mag-bestfriend kami? Mostly, lahat naman ng magkaibigang babae at lalake, they end up being together! pero why can't we? -.-
"Couz! Ok lang yan!" Sabi ni kuya Archie.. Biglang sulpot naman nung ibat pa!
"Kami na nagso-sorry sa inasal ni A-ven huh?" Sabi ni ate Chevz.
"Wag kang mag-alala, kakausapin namin sya!" Sabi ni ate Ella.
"No need! Ayos lang! Wag nalang sana lumaki tong nangyari samin!"
"No!! Kakausapin namin sya, personally kasi, knowing A-ven? Meron talaga syang mas acceptable na reason eh! Don't worry!" Sabi ni Isha.
"Kung ako sayo pinsan, suyuin mo muna ngayon! Paniguradong hindi kayo makakapag-perform ng maayos kung ganyang may gap kayo!!" Payo ni kuya Luis.
"Oo! I will! kaya, excuse me muna! hahanapin ko lang sya! Baka kung san nanaman pumunta eh"
"No need! Hehe.. Paniguradong she's in the cafeteria! depress eh!" sabi ni Julie. Tumango lang ako then iniwan na sila.
Haaayy.. A-ven!! Ano bang nangyayari? Bakit ba big deal sayo ang friendship natin kung pwede naman nating i take yun to the next level? May mali ba sakin? *ehem* Gwapo naman ako! Mayaman! Mabait rin naman ako! Oh? Ano pa ba? Hayyy naku!! -.-
Nandito na ko sa cafeteria! and tama nga si Julie, kumakain si A-ven! Well, should i say, lumalamon? Ang dami eh! Lahat yata ng nasa menu ngayon binili nya? Tss.. Lumapit naman ako at walang anu-anu syang tinapatan! Oo! Sa tapat kasi ako umupo hehe.
"What are you doing here?" pataray nyang tanong.
"Tsss.. Masama ba? binili mo na ba tong lugar?" nag-pout lang sya then nagsimula ng luma-- ayy-- kumain.
"Kaya mo bang ubusin lahat yan??" tanong ko.
"Pake mo ba?"
"Tsss.. Penge naman!!"
"Ayaw ko nga! Mayaman ka diba? edi bumili ka ng iyo!!" Para syang bata ngayon! hehe.. ang cute! Hay naku Gio. Mag-pigil ka! remember? sinusuyo mo nga diba? -.-
"Ang damot naman! Bestfriends naman tayo diba?" napatigil naman syang kumain then tumingin sakin.
"Sigurado ka ba?"
"H-huuuhh??"
"Sigurado ka bang bestfriend lang ako sayo!!?"
"h-huhhh?? O-oo! Promise! Titigil na ko!"
"Good!! Tama na yung mga love love ekek mo jan hah!!?"
"O-oo na nga!!"
"Sige, Kain ka narin!" sabay ngiti nya sakin! yun na yun? wag ko lang sabihin na in-love ako sakanya, ok na? Ibang klaseng babae talaga! Well, kung dun sya magiging comportable sakin. Edi Sige! Next time nalang! hehe.
Natapos na kaming kumain, Promise! Busog na busog ako, And, alam nyo ba? lahat ng di ko naubos, si A-ven parin kumain! As in simot! akala mo lalake yung kasama kong kumakain eh! Tsss.. Hehehe.
"Nga pala! Ok na ba yung part mo para bukas?" tanong nya.
"Ok na naman! Medyo kabado nalang ako ngayon! Teka! Gagawin ba talaga natin yung ano--"
"Di ka ba comfortable?"
"Di naman! Pero, ikaw? Ok lang ba sayo?" Sasabihin ko na nga sainyo! May kissing scene kasi yun, Well, Hindi naman sya yung may katagalan pero i think, 3 beses namin gagawin eh! You'll see naman kaya, wait lang kayo.
"Tss.. Ninakaw mo na nga yung first kiss ko diba?"
"Ganun lang yun? Ok na sayo yun?"
"Don't get me wrong Gio! Kung may makaka-partner kasi ako tapos may ganyang scene, i guess mas ok nag sayo nalang! after all, we're Bestfriends diba? wala ng malisya!" Sa totoo lang kinakabahan ako eh. Pano kasi, alam kong mas lalala yung nararamdaman ko sakanya kung mahahalikan ko pa sya! Pero-- Bahala na nga!! -.-
"Haaayy.. Kinakabahan tuloy ako!"
"Don't be! Ako partner mo noh! Kaya dapat confident ka lang! Tsaka nga pala, pag inaarte na natin yan, kailangan, be OA as possible huh? yung tipong feel na feel mo dapat bawat line! Ok?"
"O-ok? Bakit kailangang ganun pa?"
"Kasi dun natin makukuha yung kiliti ng audience at judges! Trust me! Been there, Done that!!" Confident nyang sinabi, may tiwala naman talaga ko sakanya eh! Ibang klase kaya yung confident nya, kahit sinong maka-partner nya, paniguradong magiging confident rin tulad nya! :)
Goodluck samin!! :)
BINABASA MO ANG
It must be love [FIN]
JugendliteraturThis must be it? This must be what they called LOVE.